Advertisers

Advertisers

SANYA LOPEZ, PINAG-ARALAN ANG ‘PAGEANT MOVES’ PARA MAKUHA ANG KORONA

0 3

Advertisers

Ni Anne Venancio

BEAUTY QUEEN mode on si Sanya Lopez para sa kanyang role bilang beteranang kontesera sa upcoming GMA Pictures film na “Red Crown.”

Gagampanan niya si Celine Macapagal, isa sa 25 kandidata sa fictional beauty pageant na Queen of the Islands Philippines.



Hindi lang acting ang pinaghandaan ni Sanya dahil nag-training din siya sa pasarela at pagpo-pose para mas makuha ang galaw at aura ng isang pageant veteran.

Malaking tulong din para sa aktres ang mga payo mula sa kanyang co-stars na beauty queens sa totoong buhay, kabilang sina Michelle Marquez Dee, MJ Lastimosa, Ahtisa Manalo at Gazini Ganados.



Kabilang sa pinagdaanan ng cast ang headshot at long-gown photoshoot at pasarela training na bahagi ng promotional campaign ng pelikula.

Nag-viral ang mga larawan at video ng cast matapos silang ipakilala online bilang mga kandidata ng Queen of the Islands Philippines.



Lalong pinag-usapan ang “Red Crown” dahil unang napaniwala ang publiko na totoong beauty pageant ang Queen of the Islands Philippines bago ibinunyag na bahagi pala ito ng pelikula.

Ang “Red Crown” ay isang satirical comedy film tungkol sa mundo ng beauty pageant.

Mapapanood ito sa mga sinehan sa Oktubre.