Advertisers
Ni Anne Venancio
HINDI lang showbiz ang pinagkakaabalahan ni Ryan Bang dahil bukod sa pagiging TV host, nakapagtayo rin siya ng ilang Negosyo.
Sa panayam kay wealth coach Chinkee Tan na inilabas sa YouTube noong Setyembre 7, 2026, ibinahagi ni Ryan kung paano siya nagsimula sa negosyo at ang mga pagsubok na naranasan niya.
Business Management ang kursong kinuha niya sa De La Salle University dahil matagal na umano niyang pangarap maging businessman.
Nagsimula siyang mag-ipon noong 2010, nang mapasok siya sa “Pinoy Big Brother.” Mula sa unang P3,000 na sweldo, P1,000 agad ang itinatabi niya.
Sa loob ng 10 taon, nagawa niyang regaluhan ng condominium sa South Korea ang kanyang ina.
Noong 2021, sinimulan niya ang kimchi business na Jaba at nakapag-ipon umano ng halos P1 milyon.
Sinundan ito ng Ducup cup rice at isang salon, na binuksan niya noong pandemic.
Gayunman, hindi naging madali ang pagnenegosyo dahil sa mataas na renta, gastos sa empleyado at pabago-bagong restrictions.
Kalaunan, pinagsama niya sa iisang lugar ang kanyang mga negosyo at itinayo ang Paldo Traditional Korean Restaurant.
Para kay Ryan, pareho lang ang showbiz at negosyo: kapag mabilis ang pag-angat, puwede ring mabilis mawala ang blessings kung hindi marunong mag-manage.