Advertisers

Advertisers

Kasama ang pamilya… Billy may plano layasan ang Pinas at manirahan sa France

0 11

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA interview kay Awra Briguela sa content creator na si Killa Kush para sa kanyang podcast, ibinahagi niya ang naging journey niya sa pag-transition mula sa pagiging bading patungo sa pagiging transgender woman.

Sabi ni Awra,“Yung moment na gusto ko mag transition na babae talaga. Before, sinasabi ko lang na gay lang ako, bakla lang ako.

“Kasi wala akong balak mag transition, kuntento na ako na ito lang nakakatawang bakla, or like bakla lang na nagkakagusto sa lalaki.”

Dagdag pa niya, “Pero, nu’ng nasabi ko na gusto kong mag trans, gusto kong itrato akong babae, gusto ko yung tingin sa akin babae.”

At nang tanungin ung may balak siyang sumailalim sa gender reassignment, ang mabilis niyang sagot ay yes. Pero hindi pa raw sa ngayon.

“Hindi pa ngayon, pero may plan din ako mag pa sex change. I’m too young pa din.”

Pero ayaw naman ni Awra na ipatanggal ang kanyang muscles sakaling sumailalim siya sa gender reassignment dahil ilang taon din daw niya itong pinaghirapang ma-achieve.

“Kasi guys, hirap pa ako mag decision ngayon kasi nga yung muscle ko hindi ako makapag decision kung papatunaw ko pa kasi love ko talaga siya. Parang it makes me so unique kaya hindi ko siya mapatanggal tanggal,” sabi pa ni Awra.

***

MAY plano na noon pa si Billy Crawford na iwan ang Pilipinas at manirahan sa France kasama ang kanyang pamilya.

Sa panayam sa kanya ng Fast Talk With Boy Abunda, isa sa mga natanong sa kanya ay kung tuloy pa ang plano nila ng kanyang asawang si Coleen Garcia na doon na manirahan sa nasabing bansa kasama ang kanilang mga anak.

Sabi ni Billy,”It was talked about. Pero sobrang mahirap i-plan out now pa lang for Coleen din kasi. So it’s tough if I make a selfish decision and say ito kasi ‘yung career ko. Let’s move here.”

Sey pa ni Billy, matinding sakripisyo rin ang ginawa niya nitong mga nakaraang taon nang tumanggap siya ng ilang trabaho sa ibang bansa. Kasama na nga riyan ang pagsali niya sa “Dancing with the Stars France.”

“Siguro one day Tito Boy. Hindi sarado ‘yung pintuan ko to have a place I can call home as well outside the Philippines, “aniya pa.