Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
NAPILING Male Celebrity of the Night si Joshua Garcia sa katatapos lamang na 37th Star Awards for Television ng PMPC o Philippine Movie Press Club at BingoPlus.
Ang singer na tinaguriang Revival King na si Jojo Mendrez ang sponsor ng naturang special award.
Nagkataon naman na nasa Star Music na si Jojo bilang singer at si Joshua naman ay sikat na Star Magic artist; may tsansa kaya na magkaroon sila ng collaboration?
“Wala namang masama na mag-collab kami ni Joshua kasi pareho naman kaming Kapamilya, na nasa Star Music,” lahad ni Jojo.
“Looking forward ako na sana nga ay magkaroon ng chance na maka-collab ko siya.”
Kung magre-revive si Jojo ng isang awitin para kay Joshua, ano iyon at bakit?
“Kung magre-revive ako ng song or siguro kung may ide-dedicate akong kanta for Joshua ay yung song ko na ni-revive na “I Love You Boy”.
“Ang daming nagmamahal sa kanya at isa na ako doon kaya iyang song na iyan ang gusto ko kasi love ko siya. Ha! Ha! Ha!
May award din na nakuha si Jojo sa Star Awards for TV at iyon ay bilang “Trending Social Media Personality” dahil sa mga vlogs niya na umaabot ng milyun-milyon ang mga view.
Talent ni Rams David ng Artist Circle management si Jojo kasama sina Shyr Valdez, Wilma Doesn’t, Odette Khan, Cheche Tolentino at Jess Martinez among others.
Samantala, ang female counterpart ni Joshua ay si Rochelle Pangilinan na tinanghal bilang Female Celebrity of the Night.
Wagi rin sina Joshua at Rochelle bilang Male and Female Faces of the Night (mula sa Intele Builders and Development Corporation).
Sa larangan naman ng pag-arte ay ginawaran si Joshua ng award bilang Best Drama Actor para sa Unbreak My Heart ng GMA 7 at Best Single Performance by an Actress winner naman si Rochelle para sa Magpakailanman epsidoe na The Abused Teacher ng GMA pa rin.
Handog ng BingoPlus online gaming, ginanap ito nitong Linggo, Agosto 24, 2025 sa Victoria Sports Hotel Convention Hotel sa Quezon City ang 37th Star Awards for TV.
***
IBA na talaga ang teknolohiya.
Noon ay nakikita namin sa mga sari-sari store ang larong fruit game kung saan gamit ang tila videoke machine sa paglalaro o pagsusugal gamit ang sari-saring prutas.
Ngayon, gamit ang ating mga cellphone ay maaari na tayong magkaroon ng tsansa na manalo ng malaking halaga ng pera.
At kung noon ay kukunin sa may-ari ng tindahan ang baryang napanalunan, ngayon ay diretso na sa money app mo sa telepono mo rin ang malalaking papremyo, na kapag sinuwerte sa mataas na multiplier ay maaaring abutin ng daang libo o milyon pa nga!
Ito ay sa gawang-Pinoy na MegaBet ng Paradise na walang anumang konek sa fruit game noong araw sa mga tindahan sa kalye o kanto.
Personal naming na-experience ang surreal na karanasan na mapanood ng LIVE ang kanilang mga games sa imbitasyon ng Paradise MegaBet team nina Mark Calicdan, Marketing Manager, Strategic Partnerships, Peter Munsayac, Head of R & D at Shelly Flores, Marketing Manager, PR, Branding and Events at event host and PR na si Gian Carlo Vizcarra.
Nasa harap namin mismo ang mga dealers at MegabEt girls habang ongoing ang mga laro kaya 101% sure na walang daya, mananalo ang dapat mananalo.
Ang Fruit Color Game ay ang unang in-house game ng MegaBet ng Paradise.
Nakakaaliw ito dahil mga prutas tulad ng saging, niyog, papaya, mangosteen, rambutan, at langka ang pagpipilian upang manalo.
Kahangahanga at makabuluhan din ang tagline ng MegaBet na “Gaming can be addictive, know when to stop!”
Tagos ito sa puso at isip.
Ang pagsusugal, gawing libangan lamang upang hindi makapipinsala.
Sinumang manlalaro, alamin kung kailan dapat tumigil, huwag sige nang sige hanggang malubog na sa utang at masira na ang kabuhayan ng pamilya.
Nakakaadik ang paglalaro kaya alamin kung kailan nararapat huminto!
Bukod sa online ay may physical branch sila sa Muntinlupa City.