Advertisers

Advertisers

Sumisibol na pag-asa sa nagliliyab na mataas at mababang Kongreso

0 2,556

Advertisers

Saan man matuon ang paningin ng sambayanan hindi maitatago ang init ng balitaktakan ng mga Senador na karamihan ay latak ng nakaraang administrasyon na ang puno ay nagdurusa ngayon sa The Hague sa Netherlands…sa piitan ng International Criminal Court sa salang pagmamalupit sa sangkatauhan.

Sa pananaw ng marami…tulad ko, ang mga nagaganap ngayon sa mga pagdinig sa Senado at Kongreso ay isang pabor sa nag-iinit na issue nitong mga nakaraang buwan sa impeachment case laban kay Sara Duterte na ibininbin ng Senado sa pangunguna ng kanilang maverick na Senate President. Naging panakip ang pagsulpot ng mga kaso ng Flood Control Projects na tampok ang mga kontratistang sa anumang paraan ay naging ka bahagi ng mga nakaraang eleksyon. At ang pangunahin dito ay ang paglabas ng isang Lubiano…isang taga Sorsogon at aminadong nagbahagi siya ng 30 milyong piso kontribusyon sa kampanya nuong nakaraang halalan sa isang kaibigang di niya ikinaila — si Chiz Escudero.

Sa ngayon, sa totalisador ko sa mga expose sa Mataas at Mababang Kapulunguan ng Kongreso…patas lang sa dami ang bilang ng exposures ng kasong dinidinig sa kanilang magkahiwalay na kapulungan. Ang pagpapatunay na ang mga kontratista at mga Senador at Kongresista o Kinatawan ay—sa hinala o hinuha ng nakakarinig at nakakakita ng mga kaganapan—ay kahit sa paanong paraan o pagkakataon ay kilala o magkakakila.

Ang pinakasikat, liban kay Lubiano ay si Sara Discaya. Ang talunang kandidato sa pagka-Mayor sa Pasig City na humila ang exposure sa social media mula pa isang buwan na nakakaraan hanggang ngayon. At sino ang hindi magugulantang sa video tape na ito na “ibinisikleta” at magkakarugtong na inilalabas upang maging viral — ang unang naiulat na tumataginting na 40 luxury vehicles na di bababa sa 4 na milyong piso ang halaga ng bawat isa … at meron pang wala pa dito sa Pilipinas na ilang European at American SUVs na nasa mahigit pa ang sa ilang bahay na mansyon ang. Mapapatanga at mapapamura ang isang milyonaryo sa bilyong halaga ng ari-arian ng kontratistang Sara at Curlee Discaya!!! Bagay na hindi maitago ng Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue na : NALUSUTAN KAYO? o baka naman…… ??? Sabagay para-paraan yan. Sila at kayo lang ang nagkakaalaman. Money is power —marami ang naniniwala na kapag you are a moneyed person kaakibat niyang ay ang inyong pagiging makapangyarihan! Tumpak Kosang NON?

Ngunit sa kabila ng panig ng bakod — ng mga bagong sibul na kabataang maituturing dahil nasa 30 anyos mahigit paa nga lang sila — tulad ni Mayor Vico Sotto ng Pasig City, lantarang sinasabi niya na sa mga panahong ito masusubok ang dedikasyon at sinseridad ng mamamayan sa pangunguna at pagsama sa isang pinagsanib na kilusang makakapagahon sa Pilipinas sa pagkakalugmok sanhi ng korupsyon na ilang dekada nang talamak at siya pa ring sanhi ng paghihirap ng marami.

Nito ring mga huling buwan, mapapansing ang butihing Mayor Benjie Magalong ng Baguio City ay nagmumungkahi na sana’y may isang independent investigating body na pangunahn at pamunuan ni Pangulong BBM JR NA SIYANG MAGIIMBESTIGA SA “UNABATED CORRUPTION IN OUR MIDST” para nang sa gayon ay mahinto na ang tuluyang pagkasira ng moral at namimiligrong seguridad ng mamamayang Pilipino. Hangga’t hindi nakikilala at nakakausuhan para makulong ang mga ganid na mga ito hindi mapapanuto at matatahimik ang sambayanan tulad ng mga kaganapan ngayon Indonisia, iyan ang pananaw ng Koyang ninyo.

At huli sa lahat, kapansin-pansin ang malimit na paglawit sa radio, TV at socmed itong isa ring bag itong Kinatawan ng Unang Distrito ng lalawigan ng Batangas…si Leandro Leviste. Siya’y isang self-made businessman bago pumailanlang sa pulitika — kung saan ang kanyang inang si Loren Legarda Leviste, ay isang senadora. Very promising ang basa ko sa Congressman na ito ba tumalo sa dating Congressman Eric Buhain.. Huli narinig ko siya kahapon sa isang panayam sa GTV DZBBb ay isusugo niya sa Kongreso na ang pagbubuwis sa mga mayayaman at nakaririwasa ay paiigtingin upang sa gayon ang “mga mahihirap na matagal nang naghihigpit ng sinturon “ay maalwang mapakinabangan naman ang biyaya ng kanilang pinaghirapan.”

Umasa tayo mga kapwa ko Pilipino na ang pagsibul ng mga personaheng ito — Magalong, Sotto, Leviste at marami pang Iba na gumaganap sa kani-kanilang prinsipyong makabuti sa kapwa ay magtuloy-tulog na.