Advertisers
Abalang-abala ang University of Santo Tomas bilang host school ng bagong season ng UAAP na magbubukas sa ika- 19 ng kasalukuyang buwan.
Gaganapin ito sa UST Grandstand at Open Field sa kanilang Espana campus. Sisimulan sa pamamagitan ng isang Banal na Misa. Tapos ang parade of athletes, oath of sportsmanship, ang pagsindi ng league cauldron at fireworks.
“ Mala- fiesta ang kakaibang programa na inaasahan na dadaluhan ng 25,000 na katao ,” eka ni Fr. Rodel Cansancio, OP, pangulo ng UAAP 88.
Sa ika-20 at 21 ay idaraos naman ang mga game sa UST Quadricentennial Pavilion.
Tampok na laro ay ang UP Maroons na may 4 na titulo vs UST Growling Tigers na may 18 na korona gaya ng UE Warriors.
Kaabang-abang ito sabi nina Pepeng Kirat at Ka Berong na parehong bilib sa FEU Tamaraws na may pinakamaraming naipanalong kampeonato (20).
***
Hindi naman siguro sinungaling si Sen. Joel Villanueva kundi magaling lang magkubli ng buong katotohanan. At saka lahing mayabang kahit ordinaryo lang ang pagkatao at antas ng kaalaman. Pero tulad ng maraming Pinoy ay sobra hilig sa basketball.
Halimbawa ay parati niyang ipinagmamalaki na miyembro siya ng 1993 UAAP champion UST Growling Tigers nguni’t ang totoo ay bangko lang siya sa koponan. Ni walang game na napanood natin siya sa lahat ng 14 na laro ng Espana-based squad.
Tapos idinadagdag pa niya na naging RP team siya. Heto ang tunay na pangyayari. Ang kampeon ng UAAP ang kumatawan sa bansa sa isang minor tournament sa Asya. Hayun extra si Boy Dila dahil kasapi siya ng USTe nung panahon na yon.
Oo malapit siya sa ilang player lalo na sa mga Tomasino kasi pinakikisamahan niya ang mga ito.
Nadadala niya sila sa pangangampanya tuwing halalan.
Pero talagang paborito ng anak ng pastor sa sport ni Michael Jordan. Sumasali yan sa paliga sa Senado. Noong naitalaga sa TESDA kahit sa mga sekyu ay nagpapapawis sa court doon. Sa PBA at mga laro ng Gilas ay madalas nanonood ang tubong Bocaue kaya kita sa TV.l
***
Taliba ni Tale. Pumasyal ang TNT Tropang Giga sa Honolulu, Hawaii kamakailan. Buong koponan kasama pati kani-kanilang mga asawa.
Hindi na konektado si Coach Joe Lipa sa Terrafirma Dyip. Dating consultant ang legendary mentor. Doon din siya umuupa ng tirahang unit sa Azure Condo sa Bicutan kung saan madalas magensayo ang team
Tumatayong brand ambassador ng NLEX Road Warriors si Asi Taulava. Noong isang linggo ay nasa Baguio si “The Rock” para sa isang event ng Metro Pacific Tollways Corp, parent company ng North Luzon Expressway.