Advertisers
Advertisers
Advertisers
Super fresh pa rin ni Kristine Hermosa kahit anim na ang anak niya!
Sa kanyang Facebook post, ibinida ni Kristine ang kanilang family picture – kasama ang kanyang asawa na si Oyo Sotto at mga anak na sina Kiel, Ondrea Bliss, Kaleb Hanns, Marvic Valentin, Vittorio Isaac, at Isaiah Timothy.
“The SOTTOS— A big, happy family led by love and guided by faith,” sey ng aktres. “Parang hindi pa kumpleto… baby number 7, what do you think?”
Hirit pa niya, “Six already and still looking so fresh! Baby #7 kaya?”
Pinusuan naman ng mga netizen ang kanilang family picture at naghayag ng kanilang suporta sa hirit ni Kristine.
“Pinagpala ka, Kristine Hermosa. 6 kids ka na nga pero fresh na fresh ka pa rin”
“Kaya naman nila i-provide ang kids nila, why not?
“Gandang lahi… Sige lang… Go and multiply at kayang-kaya naman!”
John Lloyd Cruz gustong maka-bonding sina Bea Alonzo at Vincent Co
Mukhang sabik na maka-bonding ni John Lloyd Cruz ang kanyang longtime screen partner na si Bea Alonzo at boyfriend nitong si Vincent Co.
Sa Instagram, nag-iwan ng komento ang award-winning actor sa isang post ni Bea mula sa kanyang bakasyon sa Dubrovnik, Croatia.
“Tambay tayo dito sa bahay ’pag may time kayo ni boss Vincent,” komento ni John Lloyd sabay tag kay Bea.
“Will ask [Isabel Santos] to seek inspirations to cook. Sarap magluto ’yon,” dagdag pa niya, tinutukoy ang kanyang partner na si Isabel.
Wala pang tugon si Bea sa paanyayang ito, pero aliw na aliw naman ang mga netizens na tila binalikan ang iconic na tambalan nina Basha at Popoy mula sa pelikulang “One More Chance.”
Matatandaang nitong Agosto lang ay kinumpirma ni Bea na siya ay in a relationship kay Vincent, ang president ng Puregold Price Club, Inc.