Advertisers

Advertisers

MOTORISTA UNANG PUMUPUGAK SA EPEKTO NG FLOOD CONTROL ANOMALY!

0 1,311

Advertisers

Bukod sa mga residenteng nakapuwesto sa mga critical areas na dinadaluhong ng mga pagbaha ay ang mga motorista ang unang naaapektuhan ng pagpupugak-pugak sa makina ng kanilang mga sasakyang nabababad sa matinding pag-apaw ng tubig.., dahil sa halip na maprotektahan ang mamayan laban sa tubig-baha sa tuwing sasapit ang tag-ulan ay ang kabulsahan ng mga tiwaling GOVERNMENT OFFICIALS ang napuno ng kadatungan sa asiste ng mga GUNI-GUNING PROYEKTO o GHOST PROJECTS!

Bunsod nito ay nananawagan ang LAWYERS FOR COMMUTERS SAFETY AND PROTECTION na pinangangasiwaan ni ATTY. ARIEL INTON na ang mga kasapi ng SMALL COMMITTEE ng CONGRESS ay dapat isama sa BULLETIN IMMIGRATION LOOKOUT upang hindi matakasan ng mga ito ang kontrobersiyang BICAM INSERTION 2025 BUDGET INSERTION.., na kinakailangan sumailalim ang mga ito na mabusisi ang pinaggamitan sa mga isiningit na pondo.

Kasi nga po ay mismong si DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS (DPWH) SECRETARY VINCE DIZON ang nagsabi na ang WAWAO GHOST FLOOD CONTROL PROJECT sa BULACAN ay ang sang BICAM INSERTION.., na isa lamang ito sa 410 BILLION PESOS na SHADY INSERTION (… Teka at may sumisipol mula sa QUEZON CITY DISTRICT 1 na mayroon din daw WAWAO PROJECT sa kanilang distrito e bahagi rin daw ba iyon ng BICAM INSERTION?)

Dapat malaman ng mamamayan kung sino-sino ang mga bumubuo sa SMALL COMMITTEE na responsable sa pagmamaniobra ng BUDGET INSERTION upang mapigilan ang mga ito na makalabas pa sa ating bansa.., dahil ang kanilang CHAIRMAN na si CONGRESSMAN ZALDY CO ay nasa ibang bansa para sa umano’y pagpapagamot nito.., ngayon pa lang bago magkaroon ng sakit-sakitan ang mga bumubuo ng SMALL COMMITTEE ay kinakailangang maisama na sila sa listahan ng BULLETIN IMMIGRATION LOOKOUT.

Maliwanag sa isinasaad ng SALIGANG BATAS ARTICLE VI SECTIONS 1 and 2 mandates that Congress allocate funds responsibly.., at ang ARTICLE IX-B demands transparency and accountability in public spending.., nagawa ba ito ng grupo ni CONG. ZALDY CO ang kanilang constitutional duties with justice, honesty and good faith?

Ang resultang epekto ng FLOOD CONTROL PROJECTS ay nadidiskubre tuwing panahon ng tag-ulan (tuwing tag-ulan lang naman pero masaklap kung sa tag-araw e dadaluhong pa rin ang tubig-baha e katindi na niyaan) na ito ang pilit iniimbestigahan ng CONGRESS at SENATE.., yun nga lang ay nasentro sa ari-arian o kayamanan ng mga CONTRACTOR ang binusisi gayong ang CORRUPTIONS ay nasa kumpas ng PROJECT IMPLEMENTORS na AMPAW man o GUNIGUNING PROYEKTO ay binabayaran ang mga CONTRACTOR.., tig-magkakano kaya ang naging hatian ng mga KOMISYONERO at sino-sino sila.., pero walang nagsesentro sa mga detalyeng ito dahil ang masasapol sa pinale ay ang ilang CONGTRACTOR at SENTRACTORS?

Mga ka-ARYA.., kung tutuusin ay hindi na kakailanganin pa ng GOVERNMENT ang serbisyo ng CONTRACTORS dahil sa bilyon-bilyong salaping inilalaan sa mga proyekto ay ang GOVERNMENT na dapat ang mismong mag-hire ng WORKERS.., pero bakit at bakit kinakailangan pang umeksena ang mga CONTRACTOR? Kasi ayon sa mga resource ay kinakailangan daw makalikha muna ng pangkabulsahan sa paraang pagalingan ng CONTRACTORS sa PROJECT BIDDINGS kung magkano ang “PADULAS” o “GREASE MONEY” na maibibigay sa PROJECT IMPLEMENTORS!

Ang mga sistemang ito ang dapat masupil.., ang kaso ay mayorya sa LAWMAKERS ay sangkot sa iba’t ibang anomalya na sila-sila rin ang nagsisiyasat kaya pagdududahan lamang ang sinseridad ng SENATE at CONGRESS HEARING na kinakailangan dito ang magkaroon ng INDEPENDENT INVESTIGATING COMMITTEE para sa patas na patuloy sa mga kaanumalyahan ng FLOOD CONTROL PROJECTS upang tuluyang matuldukan ang mga GUNIGUNING PROYEKTO!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.