Advertisers

Advertisers

P1B KICKBACK SA GUNI-GUNING FLOOD CONTROL IBINIGAY KAY ASSISTANT DE BRYCE HERNANDEZ – SYMS CONSTRUCTION

0 37

Advertisers

ITINURO ng SYMS Construction si dating Assistant District Engineer Bryce Erickson Hernandez ang siyang pinagbigyan ng P1 bilyong komisyon mula sa ghost pro-jects na kanilang ginagawa sa lalawigan ng Bulacan.

Sa Senate Blue Ribbon Committee hearing, tahasang itinuro ni Sally Santos, may-ari ng SYMS Construction Trading, na ang katransaksiyon lamang niya sa ghost projects ay sina Hernandez at ang dating 1st District Engineering Office Construction Section Chief na si Jaypee Mendoza.

Sinabi ni Santos na ang nagiging sistema ay pinakontrata sa kanila ng Wawao Builders ang natukoy na proyekto ayon sa direktiba nila Hernadez at Mendoza matapos itong magpahiram ng lisensiya.



Pagkatapos ng lahat ng proseso, pumapasok ang bayad ng gobyermo sa Wawao Builders na siya namang magdedeposito sa bank account ng SYMS.

Mula sa SYMS account, ilalabas umano ni Santos ang pera, na ang huli ay nagkakahalaga ng P245 million, para dalhin naman sa opisina ni Hernandez na nakagalay sa iba’t ibang kahon ng noodles at mga tsitsiria.



Kinumpirma rin ni Santos na hindi niya nakatransaksiyon si dating DE Henry Alcantara sa paggawa ng mga guni-guning proyekto.

Inamin din na Santos na umaabot sa P1 bilyon ang na-deliver niya kay Hernandez mula 2022 hanggang ngayong taon 2025.



“Inaamin ko po na nagkaroon ako ng pagkukulang at sobrang pagtitiwala sa aking mga tauhan dahil huli ko na nalaman ang kanilang mga guni-guni project. Dumarating po sa akin ang lahat ng mga dokumento na pirmado na nila Bryce, ng Construction Chief, ng Project Engineer, at ng lahat ng mga taong dapat pumirma. Ministerial lang po sa bahagi ko ang pagpirma, wala po talaga akong alam sa ginawa nilang kalokohan,” sabi ni Alcantara sa kanyang pahayag sa senado.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Alcantara na mataas ang kanyang kompiyansang lalabas ang katotohanan sa bandang huli matapos ang testimonya ng SYMS Construction at ng Wawao Builders na nagkukumpirmang wala siyang kinalaman sa transaksiyon ng mga ito kina Hernandez at Mendoza.