Advertisers

Advertisers

CHINESE DATING SITE SCAMMERS NA NAKA-BASE SA MAYNILA, TIMBOG SA BI-FSU

0 17

Advertisers

Arestado sa Bureau of Immigration-fugitive search unit (BI-FSU) operatives nitong Biyernes ang dalawang Chinese nationals na nagpapatakbo ng isang ‘love scam hub’ na target ang mga European at Japanese nationals.

Kinilala sa report ni BI-FSU chief Rendel Ryan Sy and dalawa na sina Wang Huihuang, 30 at Liu Lin, 35.

Ani Sy, si Wang ay namumuno sa scam hub na nago-operate sa Gonzalo Puyat Street sa Quiapo, Manila habang si Liu ay manager ng residential-based fraud operations.

Nahuli ang dalawa na nagpapatakbo ng online workstations gamit ang anim na computer units na naka-link sa dating sites, multiple social media accounts, messaging platforms, translators at iba pang applications. Gamit umano nila ang nasabing platforms upang manloko ng mga naghahanap ng ‘romantic relationships’ sa layuning makuha ang pera ng mga ito.

Ayon kay Dana Sandoval, BI spokesperson, sa verification sa BI database ay nakita na ang nasabing Chinese nationals ay overstaying aliens at walang maipakitang passports o anumang valid immigration documents.

Nagbunga umano ang operasyon sa pagkakaligtas ng dalawang Malaysian na itinatago ng kanilang Chinese employers at minamaltrato.

“Wang and Liu face deportation proceedings for being overstaying and undesirable aliens, while the two Malaysian victims were referred to the inter-agency council against trafficking (IACAT) and the Malaysian embassy for appropriate investigation and assistance,” ani Sandoval. (JERRY S. TAN)