Advertisers

Advertisers

P52B REQUEST BUDGET NG DEPED SA 2026 – SEC. ANGARA!

0 11

Advertisers

Nagkakahalaga ng 928 point 52 billion pesos o P928.52-B ang panukalang pondo na inihain ng Department of Education o DepEd sa Senate finance subcommittee para sa 2026.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, sa pamamagitan ng naturang pondo ay matutugunan ang overcrowding, child hunger and resource gaps para sa milyun-milyong mag-aaral at mga guro sa buomg bansa.

Paliwanag ni Secretary Sonny, malaki pa ang problema sa sektor ng edukasyon ngunit malinaw ang direksyon, na ang bawat pondo ay para sa mga guro at mag-aaral.

Mahalagang puhunan ang suporta ng ating Pangulo at ng ating mga mambabatas upang tugunan ang mga agarang pangangailangan habang binubuo natin ang matibay na pundasyon ng edukasyon.

Alinsunod sa panukalang 2026 budget, naglaan ng P13.2-B para sa pagtatayo ng 4,900 classroom; P11.8-B para sa school-based Feeding Program para sa malnourished na mag-aaral mula kindergarten at mga mag-aaral na Grades 1 hanggang grade 6;

Labing-anim na bilyong piso para sa digital tools gaya ng laptops ng mga guro at internet connectivity sa eskuwelahan;

Anim na bilyong piso para sa career growth ng mga guro at school leaders na dito ay inaasahan ang promosyon ng 113,000 teachers at mga school head.

Tiniyai ni Sec Sonny na susubaybayan ang mga programa upang matiyak na iniimplemento. (Edwin Moreno)