“FAST TALK” Ni Kuya Boy Abunda Kinilala At Pinarangalan Ng Mga Local At International Award Giving Bodies, Backroom Talent Management, Matatag At Ilang Dekada Na Sa Entertainment Industry
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
BUKOD sa parating pasok sa Top 10, Top Rating Shows ng GMA 7 ang “FAST TALK WITH BOY ABUNDA” na 20 minate na Showbiz Talk show ng Nag-iisang Asia’s King of Talk na si Kuya Boy.
Naparangalan din at patuloy na kinikilala ang said show ng mga local and international award giving bodies.
This year ay nakamit ng Fast Talk ni Kuya Boy ang Bronze sa CONTENT ASIA AWARDS 2025 for “BEST TALK SHOW MADE IN ASIA.”
Sa nakaraang 37th PMPC STAR AWARDS FOR TELEVISION, iginawad naman kay Boy ang “BEST TALK SHOW HOST” na para pa rin sa kanyang Fast Talk show. Personal na tinanggap ni Kuya Boy ang award at nagpasalamat siya sa lahat ng viewers ng kanyang programa at sa lahat ng bumubuo ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Dinig na dinig sa upload video ang pagsigaw ng “deserved” ng ating Concert Queen Pops Fernandez na isa sa hosts ng nasabing Awards Night. Na ang ibig sabihin siyempre ay deserving si Kuya Boy sa parangal na tinanggap. At oo naman aside sa tipong pang Hollywood ang style ng hosting ni Kuya Boy ay kuhang-kuha nito ang pulso ng masa kaya’t pinapanood at sinusuportahan ng milyon-milyon nating mga kababayan ang kanyang Fast Talk With Boy Abunda.
At parami nang parami na rin ang nanonood ng isa pang show ni Kuya Boy sa GMA at QTV 11 na “CAYETANO IN ACTION WITH BOY ABUNDA” with Cayetano siblings Sen. Ate Pia Cayetano at Sen. Kuya Alan Peter Cayetano. Mapapanood sila sa GMA 7 every Sunday at 11 PM at mapapakinggan din sa DZBB.
Nasa Vlogging din si Kuya Boy at meron na siyang over 1 million subscribers sa kanyang The Boy Abunda Talk Channel and still counting.
***
KUMBAGA, sa artista ay may “Staying Power” din ang Backroom Incorporated ni Kuya Boy Abunda na ngayon ay BACKROOM TALENT MANAGEMENT SERVICES” na pinamamahalaan ng mga taong pinagkakatiwalaan ni Kuya Boy. Late 80’s pa nag-start sa pagmamanage ng mga artista at singer ang King of Talk at nanatiling matatag ang kanyang Talent Agency na marami pa ring hina-handle na mga celebrity including their original talents like Ariel Rivera, Dawn Zulueta, Dessa, Sitti, Mariel Rodriguez at morena beauty Bianca Gonzales na nag-renew just recently lang ng kanyang contract sa ABS-CBN.
Also ang tatahi-tahimik lang na showbiz couple na sina Iya Villania at Drew Arellano pero madaming product endorsements like Wilkins Mineral Water, Jolibee with their 3 beautiful kids, BPI Atbp. Infairness parehong effective endorsers sina Iya at Drew at may kaniya-kanya ring solo endorsement at TV show ang mag-asawa sa Kapuso Network.
Ilan naman sa mga newcomer na talents ng Backroom ni Kuya Boy ay sina: Gabriel Umali, Beauty Queen Host Gabrielle Basiano na indemand sa hosting sa mga Beauty Pageant, Filipino-American teen actor Noah Taylor, Etc.