Advertisers

Advertisers

NAGKALAT SI BATO, RODENTE

0 71

Advertisers

KAKAIBA at kakatwa ang nakaraang public hearing ng Senate Blue Ribbon Committee. Ayon kay Senate President Tito Sotto, ang hearing kahapon ang huling public hearing ng komite. Isusumite ang transcript at lahat ng dokumento hinggil sa flood control scam sa Independent Commission on Infrastructure (ICI). Bahala na ang ICI na magtuloy sa pagsisiyasat.

Maraming bagong isiniwalat sa nakaraang pagdinig. Lumutang si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo at ipinagtapat na kasama si Tricky Tsis, Nancy Binay, at Sonny Angara sa mga senador na tumanggap umano ng suhol kaugnay sa flood control mess. Lumutang ang dating sundalo na nagsabi siya ang nagdala ng mga maleta ng limpak-limpak sa salapi kay Zaldy Co at dating ispiker Martin Romualdez sa kani-kanilang bahay.

Tulad ng inaasahan, mariin ipinagkaila nina Tricky Tsis, Nancy, at Martin ang mga akusasyon sa kanila. Nagsampa ng reklamo ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa tatlong mambabatas. Kinumpirma ni DoJ Secretary ang reklamo sa kanila.



Dahil huling pagdinig ng komite ni Ping Lacson, pumapel ng todo-todo si Bato at Rodente kahit na magmukha silang katawa-tawa. Walang lohika at batayan ang mga pinagsasabi ni Bato. Pinagtatawanan siya. Tulad ng dati, nais ni Rodente na bigyan ng proteksyon ang kanyang nakatagong kliyente, ang mga Discaya, at kahit ang mga Duterte.

Kahapon, hindi na inulit ni Rodente ang panukala na isailalim ng Witness Protection Program ang mga Discaya. Hindi niya binanggit uli ang unang pahayag na walang batas na nagsasabing kailangan ibalik ang ninakaw ng mga Discaya kahit humihingi sila ng proteksyon sa gobyerno. Mukhang nakutya sa sarili si Rodente ng naglabasan ang mga kontra opinyon ng mga mas magaling na abogado sa kanya.



Hindi nagklik ang sundalo iniharap ni Rodente bilang saksi. Tanging siya at si Erwin Tulfo lang ang nagtanong. Hindi pinatulan at pinansin ng mga kasamang senador ang saksi ni Rodente. Kalunan, lumabas ang isang abogada na matinding pinasinungalingan na siya ang nagnotaryo sa sinumpaang salaysay na dating sundalo. Pineke ng kung sino ang affidavit ng saksi.

Sa pagtatapos ng hearing, unang nawala si Ping Lacson, ang hepe ng komite at presiding officer. Iniwan niya habang nagsasalita at namamayagpag ang dalawang komiko ng Senado na si Bato at Rodente. Umalis rin ng walang paalam si Tito Sotto. Napilitan si Erwin Tulfo, ang vice chairman ni Ping, na si siya ang magsara ng pagdinig.



Ito ang ganti ni Ping kay Bato at Rodente. Walang siyang respeto sa dalawa. Mababa ang tingin niya sa kanila. Hindi niya nais na bigyan sila ng respeto.

***

HINDI madali ang pinagdaanan ni Sonny Trillanes, Gary Alejano, at mga kasama sa Samahang Magdalo para isampa ang hablang crimes against humanity laban kay Gongdi sa International Criminal Court (ICC) kaugnay na maramihan at malawakang extrajudicial judicial killings (EJKs) sa madugo pero pumalpak na digmaan kontra droga.

Hindi binigyan si Trillanes at Alejano ng kaukulang pansin at suporta ng mga kasama sa Kongreso. Walang itinulong kahit ang mga kasama sa democratic opposition. Pinagtiyagaan nilang dalawa ang sakdal kahit pinagtawanan at niliit sila ng mga kasama sa pulitika. Mabuti na lamang at may suporta sa kanila ang iba’t ibang organisasyon na kabilang sa civil society.

Ngayon, nakakahinga ng maluwag ang dalawang mandirigma. Sumulong ang sakdal. Naitakda na ng ICC ang tatlong count ng sakdal na crimes against humanity laban kay Gongdi. Hindi malayo na sumailalim na pagdinig si Gongdi sa hukuman sa The Hague. Sa maikli, mananatili sa piitan ng ICC si Gongdi. Hindi siya makakauwi tulad ng inaasahan ng mga tagasuporta niya. Hindi malayo na mabulok siya sa piitan.

***

HINDI rin malayo na mag-isyu ang ICC ng arrest warrant laban kay Bato at Vitaliano Aguirre. Binanggit ang dalawang opisyal sa habla na iniharap ng Office of the Prosecutor laban kay Gongdi. Hindi lang alam kung kailan bababa ang arrest warrant pero halos sigurado na mag-iisyu ang ICC. Sa maikli, mababawasan ng isa ang Minority Bloc sa Senado. Mawawalan sila ng maingay na kasapi.

Walang silbi si Bato sa Senado. Wala siyang ambag. Hindi siya panghihinayangan kung isuko siya ng administrasyon ni BBM sa ICC. Hindi kailangan si Bato na bansa. Mukhang tanggap ni Bato ang kanyang kapalaran. Matapang na tao si Bato at hindi siya magrereklamo kung damputin siya ng ICC at dalhin sa The Hague, Olanda.