Advertisers

Advertisers

BATANG PINOY GENSAN IN MY MIND!

0 7

Advertisers

ILAN tulog na lang.Batang Pinoy na sa General Santos City sa Kamindanaoan

Kahapon ay pormal nang inilunsad ang isa sa nangungunang palarong grassroot para sa mga batang atleta ng bansa-ang future ng Philippine Sports.

Sa pangunguna ni Philippine Sports Commission chairman Patrick Gregorio katuwang sina commissioners Bong Coo – project director , Fritz Gaston, Eduard Hayco,Walter Torresj, isa lang ang battlecry para sa GenSan -Tagumpay ng mga batang atleta ng bayan.

Halos ay 20,000 atleta ng Batang Pinoy ang magtutunggalian para sa karangalan sa kaganapang pinakamalaki sa Kamindanaoan.Ani Chairman Pato, ang bagong logo ng Batang Pinoy 2025 na gumagalaw ang apoy ay sumisimbolo ng pagiging vibrant ng taunang sports spectacle sa lugar na sinilangan ni boxing icon Manny Pacquiao.

Ngayon pa lang ay raring to cover na ang inyong kakorner..Tayo na sa TUNA country GenSan na sa aking isipan..ABANGAN!

***

DANISIMON ART SESSION AT SPORTS CLINIC FOR KIDS

KASADO na ang panibagong edisyon ng pagtuturo ng kaalaman sa larangan ng sining at isport sa kanayunan na inorganisa ng inyong lingkod (UPPERCUT).

Ang ating cause- oriented na misyon para sa kabataan ay lalarga na sa Maynila, Tarlac, Mindoro, Quezon, Province hanggang Kabikulan pagsapit ng ating birthmonth na October ngayong 2025.

Hangad ng korner na ito na maturuan ang mga kabataan ng bansa ng basic arts na magiging karunungan nila at pakikinabangan sa kanilang livelihood sa hinahanap at matuonan din sa larangan ng sports kesa mga aktibidad na di angkop sa pagiging mabuting mamamayan.
Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ang Uppercut sa lahat ng sumusuporta sa ating Arts and Sport advocacy.

MABUHAY!