Advertisers

Advertisers

Jonica Lazo inili-link sa Singaporean DJ na si Glenn Ong

0 40

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

KASALUKUYANG nasa Singapore ang sexy actress na si Jonica Lazo. Madalas palang magpunta rito si Jonica dahil may mga relative siya sa nasabing bansa.

Bukod sa pagbabakasyon sa Singapore, nandoon din ang aktres para manoood ng Formula One Singapore Grand Prix 2025.

Pero kamakailan ay na-link ang pangalan ni Jonica sa Singaporean DJ na si Glenn Ong, lumabas pa nga ang balitang ito sa pahayagang The Straits Times ng Singapore.

Nang naka-chat namin si Jonica, inusisa namin siya kung nagde-date ba sila ng Singaporean celebrity na si Glenn o mag MU na sila?

“Hindi kami dating po, no comment about that pero close kami,” reply niya sa amin. Dagdag pa niya, “Hindi ko dine-deny, pero hindi ko rin po ina-amin, hahaha!”

Baka, magdyowa na sila? “Hindi rin, hahaha! Hindi ko pa alam tito kung ano ang mangyayari, hahaha!” nakatawang pakli pa niya.

Nabanggit din ni Jonica kung paano sila nagkakilala.

“Nagkakilala kami nitong July lang, sa Marina Bay Sands, sa mall. Marami kasing nagpa-picture sa kanya, nagkakilala kami roon. He smiled at me then went up sa akin, started a conversation and found out we were both in the entertainment industry. We exchanged numbers and he called me the next day.

“Tapos lagi na kaming nagtatawagan, we keep on communicating palagi.”

Dagdag pa ni Jonica, “Gentleman si Glenn at mabait, aktor din siya at product endorser.”

Ano ang reaction niya na may bashing siyang natanggap nang lumabas ang balitang nagli-link sa kanya sa Singaporean DJ na isa sa hosts ng ‘The Big Show With Glenn, Angel & Tim’ sa SPH Radio’s Kiss92?

Esplika ni Jonica, “Hindi ko masyadong pinansin, medyo na-shock lang ako nang kaunti… kasi sa ‘Pinas ganoon din naman po, maraming bashing, Hindi ko naman sila pinapatulan, tinatawan ko lang… Sabi pa sa akin kamukha ko raw yung ex-wife ni Glenn, hahaha! Nakakaloka, ewan ko kung kamukha ko ba, parang hindi naman.

“Ang sabi pa, ‘Bakit ang bilis daw parang a year pa lang nali-link na agad sa ibang girl, pero hindi naman po ako nagpapa-apekto at kung may mas malalang bashing ang dumating, dedma pa rin po ako,” natatawang wika pa niya.

Si Glenn ay kahihiwalay lang sa asawa niya last December 2024.

Anyway, abangan si Jonica sa pelikulang ‘Bad Boy 3’ na pinagbibidahan ni Robin Padilla. Sa mga sinehan ito mapapanood, very soon.