Advertisers

Advertisers

NEWLY-PROMOTED 135 OPISYAL AT 2,200 NCO’s, NANUMPA KAY BFP DIRECTOR FERNANDEZ

0 32

Advertisers

NAGING matagumpay ang sabay-sabay na oathtaking ceremony ng mga bagong-promote na 135 junior commissioned officers (COs) at 2,200 non-commissioned officers (NCOs) ng Bureau of Fire Protection (BFP), isang attached agency ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na ginanap sa National Headquarters, Sen. Miriam Defensor-Santiago Avenue, Barangay Pag-Asa, Quezon Cty.

Pinangasiwaan ni BFP Chief Director Jesus Vidad Fernandez ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong-promote na 135 junior CO at 2,200 NCO. Ito ay ang elevating ceremony ng mga bagong na-promote na opisyal ng BFP sa buong bansa.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Fernandez ang kanyang pasasalamat sa Selection and Promotions Board (SPB) sa kanilang pagsisikap sa pagpili ng mga bagong na-promote na opisyal. Nagpasalamat din siya sa mga pamilya ng mga na-promote na junior CO at NCO na naging bahagi sa seremonya.

Sinabi ng BFP Chief na inaasahan nila mula sa mga bagong na-promote na opisyal ang pinakamataas na pamantayan ng propesyonalismo. Inaasahan ng BFP na magiging mabuting halimbawa sa hanay ang mga bagong na-promote na opisyal.

Ang 135 junior commissioned officers at 2,200 non-commissioned officers ay sabay-sabay na nanumpa sa harap ni Director Fernandez at ng Command Group.

Ayon kay Fernandez, hindi na ililipat ang bagong na-promote na junior officers at non-commissioned officers dahil nakatalaga na sila sa buong bansa. (JOJO SADIWA)