Advertisers

Advertisers

4K PROGRAM NG DA PATULOY NA TUMUTULONG SA INDIGENOUS COMMUNITIES SA IBA’T IBANG PANIG NG BANSA

0 45

Advertisers

NAKIPAGTULUNHAN sa Department of Agriculture ang Leave Nobody Hungry Foundation Inc. upang mapagbuti ang pamumuhay ng Indigenous Peoples (IPs) at Indigenous Cultural Communities (ICCs) sa pamamagitan ng sustainable agriculture and fisheries.

Sa pamamagitan ng DA 4K Program o Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo tinutulungan ang mga IPs at ICCs sa pamamaraan ng sustainable agriculture at fisheries development.

Sa ilalim ng programa mayroong dedicated team ang nakikipag-ugnayan din sa local communities para maisakatuparan ang tulong.



Ang 4K Program ay bahagi ng commitment ng DA sa inclusive at sustainable agriculture development.

Nagbibigay kasi ang programa ng pagbabago sa buhay ng mga benepisyaryo nito.

Inumpisahan ang programa noong August 15, 2018 sa ilalim ng unang direktor nito na si Jay Bellarmino.

Dahil sa pandemya noong 2020 bagaman nakaranas ng mga hamon ay nagpatuloy ang pag-abot sa mga IPs at boong 2023 nang matapos ang panunugkulan ni Bellarmino pumalit sa kaniya bilang direktor si Lucia Campomanes.



Nito namang March 2025, hinirang ang bagong Director ng programa na si Gilbert Baltazar kung saan ipinakilala ang Level of Development (LOD) at Signature Commodity in Ancestral Domain (SCAD) framework ng 4K.

Sa ngayon ay gumagana ang programa sa across 14 regions sa bansa mula Cordillera hanggang Mindanao, sa pakikipagtulungan sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

Umabot na sa 1,701 Indigenous People Organizations (IPOs) sa 1,819 ancestral domains ang naging benepisyaryo nito sakop ang nasa 6.4 million na ektarya ng lupain na mayroong Certificates of Ancestral Domain o Land Titles (CADT, CALT, CADC).

Pinondohan ang programa ng ?220 million budget at bawat rehiyon ay pinaglaanan ng ?15 million, o nasa ?3 million per province.

Sa kabila ng limitadong resources, natulungan ng programa ang 237 ancestral domains, 420 Indigenous People Organizations, nakalikha ng 884 sub projects at sinanay ang mahigit 40,000 IPs.

Para marating ang malalayong lugar ang mga tauhan ng programa ay kinakailangan pang umakyat ng mga bundok.

Sa ngayon ay nananatiling bukas ang DA 4K Program sa kolaborasyon sa pribadong sektor, civil society, at development partners.

Sa tulong din ng programa ay kinokonekta ang mga Indigenous farmers at producers sa mas malawak na markets upang makatulong sa kanilang mga produkto. ###