Advertisers
GINAPI ng defending champion National University ang Ateneo de Manila University, 25-22, 25-17, 25-17,Miyerkules para ma sweep ang Pool E sa 2025 Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup sa San Andres Gym sa Manila.
Lady Bulldogs, na kumita ng twice-to-beat incentive sa crossover quarterfinals, makakatagpo ang No.4 team sa Pool F.
Chams Maaya at Josline Salazar nag-ambag ng tig-10 puntos.
“Our motivation is to perform well and we are all out, if ever we have two days off. We really need a break, so we are all out as a team now,” Wika ni Maaya,na umiskor ng 3 sa huling four points ng NU sa opening set.
Ana Hermosura at Dona de Leon nagtapos ng eight at six points,ayon sa pagkakasunod, para sa Ateneo, na nakamit ang kanilang dalawang dikit a kabiguan.
Samantala, Tinalo ng Adamson University ang University of the Philippines,25-20, 25-22, 25-23,para makuha ang ibang quarterfinal incentive sa Pool E.
Pinamunuan ni Shaina Nitura, ang opensiba ng Lady Falcons sa iniskor na 22 points at nine receptions.
Frances Mordi bumakas ng 10 points habang si Lhouriz Tuddao may six points para sa Adamson, na tinapos ang round sa 2-1 slate at makakaharap ang No. 3 squad sa Pool F.
Kiane Olango umiskor ng nine points habang si Yesha Noceja at Casiey Dongallo nag-ambag g tig-7 points para sa UP,na kalabanin ang Ateneo para matukoy ang kanilang seedings sa susunod na round.