Advertisers

Advertisers

Cayetano: May dual building role ang DPWH sa nation building

0 20

Advertisers

Sa kasalukuyang reporma na isinasagawa ngayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), sinabi ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na dapat “two-fold” ang tungkulin ng ahensya sa nation-building — ang pagpapatayo ng mga imprastraktura at ang paglilinis sa loob ng departamento. “Two-folds ang inyong nation-building. One is the actual building — the roads, schools, etc. — and the other one is cleaning up the department,” ani Cayetano sa pagdinig ng 2026 budget ng DPWH sa Senado nitong Lunes, October 20, 2025.

Ayon kay Cayetano, kailangang sabay na tinututukan ng DPWH ang reporma at pagpapatupad ng mga proyekto upang matiyak na tuloy-tuloy ang serbisyo sa publiko. “Hindi pwedeng hindi dual ang priority mo. Meaning, ‘yung paghahabol sa lahat ng corrupt at pagbabago ng sistema, hindi dapat mahinto ‘yung public works,” dagdag niya. Binigyang diin din ng senador na ang tunay na pagpapatatag ng bansa ay hindi lang nasusukat sa mga tulay at gusaling naitatayo, kundi sa integridad ng sistemang nagpapatakbo ng mga ito. (CESAR MORALES)