Advertisers

Advertisers

GENDER PAY GAP SA EKONOMIYA, ALISIN — MARCOS

0 9

Advertisers

Importanteng maisama ang mga kababaihan at kabataan sa mga programang pang-ekonomiya dahil siya ay maituturing na susi sa pangmatagalang paglago.

Sa APEC Summit sa South Korea, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagbibigay ng pantay na oportunidad sa kababaihan ay hindi lamang usapin ng katarungan kundi matalinong hakbang sa ekonomiya.

Binanggit ng Pangulo ang pag-aaral na nagsasabing maaaring tumaas ng hanggang USD 28 trilyon ang global GDP kung lubusang maisasali ang kababaihan sa ekonomiya.

Hinikayat naman ni PBBM ang mga bansang kasapi ng APEC na gumawa ng hakbang para mabawasan ang gender pay gap at palawakin ang partisipasyon ng kababaihan sa negosyo.

Dagdag pa niya, kailangang bigyan ng mas maraming oportunidad ang kabataan upang mapaunlad ang kanilang kasanayan sa digital economy.

Layunin ng Pilipinas, ayon sa kanya, na maging huwaran sa pagbuo ng lipunang inklusibo at pantay ang oportunidad para sa lahat. (Gilbert Perdez)