Advertisers
Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Korean business leaders na maglagak ng negosyo sa Piipinas.
Ginawa ni PBBM ang pahayag matapos dumalo sa APEC CEO Summit kung saan nagtipon-tipon ang mga malalaking business leaders sa Gyeongju, SoKor.
Sa kanyang special remarks sa CEO Summit, ibinida rin ni Pangulong Marcos ang mga reporma para sa business sector.
Ang CEO Summit ay isa sa mga aktibidad ni PBBM ngayong araw kung saan susundan ito bilateral meeting kasama ang mga kinatawan ng South Korea at gala dinner ng mga lider ng APEC.
Si Pangulong Marcos ay kasalukuyang nasa SoKor para sa APEC Summit at mananatili ito roon hanggang Nobyembre 2. (Gilbert Perdez)