Advertisers

Advertisers

MARIKINA GOVERNMENT, TINIYAK ANG LIGTAS UNDAS 2025!

0 18

Advertisers

Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Marikina ang isang maayos, ligtas at mapayapang Undas 2025.

Inaasahang aabot sa may 600,000 ang magtungo sa mga sementeryo sa Lungsod ngayong Undas.

Una ng nagsagawa ng inspeksyon ang tanggapan ni Marikina City Mayor Maan Teodoro at Marikina First District Representative Marcy Teodoro sa lahat ng mga senyeryo sa Lungsod upang tiyakin ang maayos, ligtas at mapayapang paggunita sa mga yumao.

Kabilang sa mga sementeryo na binisita ng mag -asawa ang Loyola Memorial Park, Barangka Municipal Cemetery, Aglipay Cemetery, Holy Child Cemetery, Our Lady of the Abandoned (OLA) Cemetery, at St. Paul of the Cross Parish Columbarium.

Pinakilos rin nina Teodoro ang Bureau of Fire Protection (BFP), Marikina City Health Office, local Philippine National Police , Office of Public Safety and Security (OPSS), Marikina City Rescue 161 , Waste Management Office at mga tauhan ng City Hall at personnel mula sa City Parks and Development Office.

Nanawagan din ang mayora sa publiko na sumunod sa mga panuntunan at alituntunin na inilatag ng lokal na pamahalaan para sa kanilang kaligtasan, seguridad at kalinisan.

Maging ang mga vendor ay regulated upang matiyak na ang mga daanan sa paligid at pasukan ng sementeryo ay maayos na madaanan. (Edwin Moreno)