Advertisers

Advertisers

PBBM sa publiko: Alalahanin ang mga yumao ngayong Undas

0 16

Advertisers

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na gawing panahon ng pagninilay at panalangin ang All Saints’ Day at All Souls’ Day, habang inaalala ang mga mahal sa buhay na pumanaw.

Ayon sa Pangulo, ang unang dalawang araw ng Nobyembre ay pagkakataon upang kilalanin ang mga banal na naging huwaran ng pananampalataya at bigyang-pugay ang mga yumao na patuloy na nagbibigay inspirasyon.

Binigyang-diin niya na ang pag-aalay ng kandila, bulaklak, at panalangin ay simbolo ng ating pagmamahal at pag-alala, at pagnanais na ipagpatuloy ang kanilang mabubuting halimbawa.



Dagdag pa ni Pangulong Marcos, ang paggunita ng Undas ay paalala ng pag-asa sa buhay na walang hanggan, at hamon na magsikap para sa isang maayos at nagkakaisang lipunan. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">