Nagkaroon Kasi Ng Realization! Dovie San Andres, Tinanggal Na Ang Hatred At Kumapit Sa Diyos Sa Karamdaman; WYN Beauty Skin Care & Cosmetics Products Ni Ms. Yanna Ong Pwedeng Makipagsabayan!
Advertisers
Ni Peter Ledesma
Halos 10 years, na kaming magkaibigan ng Social Media Personality na si Dovie San Andres. Kaya sa tagal ng aming samahan ay mag-sister, na ang turingan namin sa isa’t-isa. Kaya definitely ay isa ako, sa authority sa nakaaalam sa buhay ni Dovie at mga pangit na karanasan nito sa showbiz, na niloko siya at pinerahan ng mga taong pinagkatiwaalan niya. Yes sinamantala talaga ng mga ito ang kabutihan at kahinaaan ni Dovie. Na kung hindi nabudol ng pekeng director ay nakapagbida na sila ng mga anak na sina Elrey Binoe at Duke L sa supposedly ipo-produce nitong movie, few years ago.
Ngayon dahil sa realization o pagtanto ay nag-iba na talaga ang pananaw ni Ms. San Andres sa buhay. Tinanggal na nito ang hatred sa kanyang puso at pinatawad na nito ang lahat ng mga taong may atraso sa kanya na nagdulot sa kanya ng stress at matinding depression na dahilan ng pagkakasakit ni Dovie na noong September 2021 ay na-diagnosed na kinapitan siya ng ovarian at carcinoma cancer dahillan para mag-chemo theraphy siya. Nasundan pa ito ng brain cancer. At umabot rin si Dovie sa sitwasyon na wakasan ang kanyang buhay dahil sa overdose sa gamot. Pero maliban sa doctor ay alam ni Dovie na ang Diyos ang totoong nagpagaling sa kanya at ginagabayan rin siya ng mother niya na Big Angel niya sa heaven. Kaya mas lumalim ang faith at kapit ni Dovie sa Itaas. Gusto ni Dovie, na magsilbi siyang inspirasyon lalo na sa mga cancer victims.
Dahil sa pagiging malapit ni Dovie, sa ating Panginoon. Kapansin-pansin na kung dati ay pana’y ang post nito ng nega sa kanyang social media account. Ngayon tahimik at and at peace na ang buhay ni Dovie na tuwing dinadalaw siya ng only one grandson na si Xander na anak ni Luke ay aliw na aliw siya at super pogi at cute naman talaga kasi ni Xander. Madalas rin ang bonding ni Dovie sa mga anak at sa ex husband na si Alec na alagang-alaga siya at laging sinasamahan sa ospital.
Sa mga nakami-miss, ng Live ni Dovie sa Tiktok at Facebook Page kung saan sumasayaw siya habang gumagawa ng gawaing bahay. Medyo pahinga na muna sa pagla-live, si Dovie dahil ayaw na nito ng stress at less bashers, na rin siya. Pero mapakikinggan niyo pa rin ang boses ni Dovie sa kanyang Food Gallery sa Facebook, habang ipinagluluto ang kanyang Pamilya. At natutuwa si Dovie, at pawang positive comments and reactions ang natatanggap nito mula sa viewers ng kanyang Food Gallery. In all fairness, ng aking maka video call recently lang si Dovie ay masigla siyang kausap gaya ng dati na kung iisipin mo ay para wala siyang dinadalang mabigat na karamdaman. Well, very positive akong gagaling ang Bff at sis kong tinatawag naming The Lady In Red!
***
Kung sa ganda at kalidad, ang pag-uusapan. Aba’y kayang-kaya talagang makipagsabayan ng Why Not Yans(WNY) Beauty Skin Care and Cosmetics owned by Pretty businesswoman Yanna Ong.
Yes aside kasi sa FDA- approved ang lahat ng mga produkto ni Ms. Yanna, gaya ng Kinu Instant Whitening Lotion, Fuku Tinted Sunscreen Breeze Light, Kuchi Magic Lip Oil, Shizuku Derma Glass Skin Set, Etc. Na kanilang inintroduced recently sa Soft launching at mediacon ng Why Not Yans last Oct. 28 na naging very successful.
Ang gamit nilang premium ingredients rito ay mula pa sa bansang Japan at Thailand. At sa WNY, ay less gastos ka na sa pagpunta sa Derma Clinic na butas na ang bulsa mo ay duguan ka pa sa ginagamit sa facial at pagtanggal ng iyong white and black heads. Nagpa-sample pa nga si Yanna sa press sa pagpahid sa skin ng mga ito. At impromptu in just 10 seconds ay pumuti agad ang balat namin. Ang bongga di ba, instant puti ka sa Kinu Instant Whitening Lotion. At wait, lang sa lahat ng mga gustong mag-avail? Inaayos na ng social media team ni Yanna ang kanilang Online Store na mala sikat ngayong TEMU.
Sa ngayon habang inaantay ni Ms. Ong availability nina Heart Evangelista at Daniel Padilla para maging brand ambassadors o mukha ng kanyang beauty/ skin products. Samantala ilan sa mga ipinakikilang Endorsers ng Why Not Yans ay ang singer-actress na si Malu Barry, Basketer-Model Jarred Valenzuela, Miss Charity Global Gerlaine Silva, Director-Social Media Influencer Art Halili Jr, and many more.
Naka-line up, na rin ang mga meeting ni Ms. Yanna Ong sa kanyang magiging distributors. At very inspiring at mapapahanga kayo sa tagumpay nito. Na she’s from Iloilo na nagpunta ng Manila. Nagbenta ng damit at nagnegosyo ng bigasan at Pet Shop. Ngayon ay isa ng certified milyonarya si Yanna Astorga-Ong. Nabigyan na rin nito ng magandang buhay ang mga magulang at negosyo naman para sa ilang kapatid. Yes very good natured woman ito.