Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
TINANGHAL na grand winner ang duo nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa ‘Stars on the Floor.’
In fairness, deserved nila ang manalo. Hataw to the max naman kasi sila sa kanilang performance. Talagang ibinigay nila ang the best nila, masigurado lang ang kanilang panalo.
Actually, pangalawang beses na ni Rodjun na tinanghal na Grand Champion sa labanan ng pagalingan sa pagsasayaw. 18 years ago, ay siya at ang kanyang partner na isang dance instructress ay wagi rin sa “U Can Dance.’
“Overwhelming. And grabe ‘yung fulfillment. Iba ‘yung happiness talaga. Kasi after ng hardwork namin, ilang months na training, finally, nakamit din namin ni Dasuri ang tagumpay,”sabi ni Rodjun
Nagpapasalamat naman ang actor-dancer sa moral support na ipinakita ng nakababatang kapatid na si Rayver at misis na si Dianne Medina. Nanood kasi ang mga ito ng grand finals, at bitbit pa ni Dianne ang dalawa nilang anak na sina Joaquin at Isabella.
“Sobrang saya talaga. Hanggang ngayon ‘yung happines ko is overflowing,”aniya pa
Samantala,gaya ni Rodjun ay mahusay ring magsayaw si Rayver.
Sa tingin niya sino ang mas magaling sa kanila ni Rayver na magsayaw?
Sagot ni Rodjun,”Sa totoo lang,magiging honest lang po ako.Ako po ang nagturo kay Rayver na sumayaw.
“Pero sa ngayon,mas magaling po sa akin si Rayver.
“Napakalinis niyang gumalaw at graceful,” pakli niya.
Pero kung si Rayver ang tinatawag na ‘King of the Dance Floor,’ si Rodjun naman ang ‘Champion of the Dance Floor.’
Dalawang beses na nga kasi siyang nag-champion.
Congrats Rodjun!