Advertisers

Advertisers

Last minute hired at promoted officials ng Ombudsman, nag-resign na

0 6

Advertisers

NAGPASA na ng courtesy resignation ang halos lahat ng last minute hired at promoted officials sa Office of the Ombudsman.

Ayon kay Assistant Ombudsman at Spokesman Mico Clavano, ito ang mga kinuhang empleyado tatlong buwan bago nagretiro si dating Ombudsman Samuel Martires.

Ani Clavano, susuriin ng Ombudsman ang hirings at promotions ng mga nasabing tauhan at agad maglalabas ng desisyon ukol dito.



Paliwanag pa ni Atty. Clavano, mahalagang matapos at masolusyunan ang naturang isyu para muling tumakbo ng maayos ang institusyon at matiyak na tapat ang mga tao sa opisina nito.