Advertisers

Advertisers

Ombudsman Remulla: BIR, BOC kilalang korap pero hindi inaaksyunan

0 8

Advertisers

TINAWAG ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) na pinakakilalang korap na ahensya ng pamahalaan.

Ayon kay Remulla, matagal nang alam ng nakararami ang problema ng korapsyon sa dalawang tanggapan, ngunit tila wala paring konkretong aksyon upang tugunan ang matagal nang isyung ito.

“The BIR and Customs are actually the most hackneyed departments. Meaning to say, everybody knows they’re corrupt, but no one’s done anything about it,” ani Remulla sa ‘Ease of Doing Business Convention’ ng Anti-Red Tape Authority.



Dagdag pa ng Ombudsman, panahon na para itakda ang linya ng mabuting pamamahala sa dalawang ahensya.

“We will do something about it. The Bureau of Internal Revenue and Customs will have to draw the line of good governance,” aniya pa.

Wala pang pahayag ang dalawang ahensya ukol dito sa ngayon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">