Advertisers
INANUNSYO ng Office of the Ombudsman na target nito na makulong ang hanggang 60 katao na sangkot sa corruption sa flood control bago mag-Pasko, kasunod ng pahayag ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon.
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, mahalaga ang due process at “that is definitely the goal… may proseso tayong dapat sundin… pero determinado kaming maipakulong sila kung mapatunayang guilty sa krimen.”
Dagdag ni Clavano, kahit kuwestiyonin ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa korte, magpapatuloy ang imbestigasyon sa tulong ng PNP, NBI, at mga fact-finding team ng Ombudsman.
Lahat ng referrals mula sa ICI ay nasa Ombudsman na at naka-pending, at may kapangyarihan ang opisina na kumilos sa anumang reklamo.
Plano rin nilang gumawa ng dashboard para pagsama-samahin ang lahat ng pending cases mula sa ICI, DOJ, at Ombudsman upang mas malinaw sa publiko ang bilang ng kaso, sino ang sangkot, at ang status ng bawat isa. (Boy Celario)