Advertisers

Advertisers

Dapat harapin ni Zaldy Co ang mga imbestigasyon

0 16

Advertisers

IGINIGIIT ni dating Ako-Bicol Partylist Representative Zaldy Co na wala siyang kinalaman sa Sunwest Construction at sa mga palpak at multong flood control projects na nabuking ng Marcos, Jr. administration.

Matagal na raw siyang nag-divest sa Sunwest, kungsaan siya ang founder ng kompanya, simula nang pumasok siya sa politika.

Ang Sunwest, nakakorner ng multi-billion worth ng flood control projects sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa buong bansa, ay isa sa top 20 construction companies na kasalukuyang iniimbestigahan sa mga palpak at multong proyekto partikular flood control.

Ang mga opisyal ng DPWH, mula sa undersecretaries hanggang district engineers, ay nag-testify sa congressional inquiries at maging sa Independent Commission on Infrastructure (ICI), na kumamal si Zaldy Co ng bilyones sa mga proyekto at kickback lalo na noong tserman siya ng House Committee on Appropriations sa ilalim ng liderato ni ex-House Speaker Martin Romualdez.

Kaya nga iginigiit ng mga kritikong DDS na hindi magagawa ni Zaldy Co ang makakuha ng napakaraming proyekto para sa Sunwest at makahirit ng malaking kickback kung hindi dahil kay Romualdez. Naman!

Iginigiit naman ni Romualdez na wala siyang alam sa mga pinaggagawa ni Zaldy Co.

Sumobra lang daw ang tiwala ni Romualdez kay Zaldy Co, sabi ng misis ni Martin na si Congresswoman Yedda, kinatawan ng Tingog Partylist.

Say pa ni Yedda, hindi na nila makontak si Zaldy Co. Naka-block na raw sila sa social media account nito. Ganun?

Kung tunay na walang kasalanan si Zaldy Co, dapat harapin niya ang mga nag-aakusa sa kanya ng pandarambong, pandaraya, pagnanakaw…

Oo! Hangga’t ayaw humarap ni Zaldy Co sa mga imbestigasyon, lalong mag-iisip ang taongbayan lalo ang mga kritikong DDS na niloko nga niya ang gobierno sa mga nakuhang proyekto ng kanyang kompanya. Mismo!

Si Zaldy Co ang missing link sa flood control scandal.

Anyway, pasasaan ba at maaabot din ng mahabang kamay ng batas si Zaldy Co. Oras na inisyuhan siya ng warrant of arrest ng korte at hinanting ng international police (Interpol), kinansela ang kanyang pasaporte, hindi na siya makakakilos sa kungsaang bansa siya nagtatago. Mismo!

***

Hindi basta maniniwala ang madla sa denial ni Martin Romualdez na inosente siya sa mga pinagagawa ni Zaldy Co.

Naniniwala ang madla na kumamal din ng bilyones si Romualdez nung tserman ng makapangyarihang appropriation committee si Zaldy Co.

Si Zaldy Co ang tanging susi para maidiin kay Romualdez. Pero kailangan ang mga resibo. Kung walang paper trail, absuelto ang anumang kaso ng pandarambong sa korte. Yan ang batas. Period!