Advertisers
Tama ang inyong nabasa, pinarangal na naman ang Quezon City Local Government Unit (QC-LGU) na pinamumunuan ni Mayor Joy Belmonte, bilang Hame of Fame sa kategoriya naman ng patungkol sa koleksyon para sa badiyet para sa lungsod.
Pinarangalan ang QC-LGU ng Department of Finance–Bureau of Local Government Finance (DOF-BLGF) dahil sa nagkakasang-ayon bilang pangunguna (top one) sa larangan ng Locally Sourced Revenues (LSR) laban sa lahat ng syudad sa bansa para sa taong ng pananalapi 2020 hanggang 2024.
Ang prestihiyosong pagkilala ay maging sanlungguhit upang magpatuloy ang syudad sa kanilang kahusayan sa pamamahala sa pananalapi kung saan ito ay nakamit sa kahusayan ng pamumuno ni Mayor Joy Belmonte sa pamamagitan ng pagkakaisa at pangakong ng mga opisyal at kawani ng LGU para i-promote ang digitalization, transparency, at ang good governance.
“Nagawa po namin ito nang hindi nagtataas o nagpapataw ng dagdag na buwis sa taumbayan. Bunga ito ng tiwala at pakikiisa na nagmumula sa maayos at patas na sistema sa Quezon City Hall,” saad ni Mayor Belmonte.
Personal namang tinanggap ni Mayor Belmonte ang Hall of Fame Award ang parangal mula sa DOF – Bureau of Local Government Finance ( BLGF) sa paglesebra ng kanilang ika- 38th Anniversary: Stakeholders Recognition na ginaganap sa SMX Convention Center Aura sa Taguig City. Kasama ng alkalde sina City Treasurer Edgar Villanueva at City Assessor Atty. Sherry Gonzalvo.
Ang tinanggap na parangal ay bilang Top 1 sa Locally Sourced Revenues at Top 6 sa LSR hanggang sa Total Current Operating Income; at Hall of Fame Award bilang Outstanding Revenue Performance.
Para sa Fiscal Year 2024, nakapagtala ang Quezon City Government ng ?28.8 billion sa locally sourced revenues, nsa nakalap mula sa real property taxes, business taxes, at iba pang buwis, at non-tax revenues.
“This is a dream come true for everyone in the City Treasurer’s Office, and a historic first for the Quezon City Government to become a Hall of Famer. We attribute this milestone to the strong leadership and digital transformation initiatives of Mayor Joy Belmonte and City Administrator Mike Alimurung,” pahayag naman ni City Treasurer Villanueva.
Kamakailan lang ay pinarangalan bilang Hall of Fame ang QC LGU – “2025 Most Business – Friendly Local Government Unit (LGU) Level 1A. Ang pagkilala ay mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry.
Congratulations Mayor Belmonte, sampu ng mga bumubuo ng QC-LGU, mga opisyal at kawani.