Advertisers
ANG napaka tahimik na probinsya ng Occidental at Oriental Mindoro ay mistula na umanong pinaka-notoryus na mga lugar sa bansa pagdating sa operasyon ng iligal na sugal at droga – ayon sa reklamo ng ilang deboto at mananampalataya na nagpaabot ng kabilang daloobin via text message na ayaw ipabanggit ang kanilang mga pangalan at cellphone number bilang proteksyon na rin umano sa kanila.
Anila, bukod sa 43 Sako ng shabu na nadiskubre sa Isang rubber boat sa Palauan, Occidental Mindoro at Shabu Lab sa Puerto Galera, Oriental Mindoro ay nakikita umano nila ang presensya ng mga kilalang “drug pusher” na naka Tambay gabi-gabi sa mga Peryahan na pulos sugal tulad ng “pulat-puti, color games at drop ball baraha” na talamak umano sa nabanggit na mga lalawigan na patunay na shabu-infested na umano ang Mindoro province dahil sa napakarami pa ring nakukumpiskang droga at nahuhuling mga adik base sa mga ipino-post sa social media facebook page ng Police Regional Office MIMAROPA.
Ayon sa ilang religious sektor ang dahilan kaya namamayagpag ang droga at Peryahan na pulos sugal dahil sa umiiral na payola “lagayan system” sa ilang mataas na opisyal ng kapulisan sa Mindoro province.
Pakiwari nila, ‘mahina’ of ‘malamya’ ang liderato nina Occidental Mindoro Provincial Director PCol Timoteo Espiritu, Oriental Mindoro Provincial Director PCol Edison Revita at PRO4B Regional Director PBGen Jovencio Badua.
Bukod sa malala ang drug problem sa mga nasabing lalawigan, naglipana rin ang crime incidents, at ang talamak na operasyon ng Pergalan (perya-sugalan) ng mga bigtime na “gambling operator” na ang iba ay SANGKOT din sa kalakalan ng illegal na droga.
Kahit saang sulok ay laganap at naglipana ang gabi-gabing operasyon ng iligal na sugal na hindi bababa sa 300-mesa ng “pulat-puti, baklay, color games at drop ball baraha” na matatagpuan malapit sa munisipyo, simbahan, plaza, istasyon ng pulis, brgy hall, lansangan, at sa mga terminal ng tricycle, jeep at bus.
Ipinapangalandakan pa umano ng mga bigtime na gambling operator na naka “timbre” ang kanilang negosyong sugal sa tanggapan ng mga nabanggit na PNP officials sa pamamagitan nina Sgt. Manalo, Raymond, Nonoy, at Leynes, kaya hindi umano hinuhuli ang mga peryahan na pulos sugal at mga pwesto pijong sugalan sa mga nabanggit na lalawigan na ilang taon na rin nating binabatikos dahil sa reklamo.
Ilan sa mga pwesto pijong sugal na “color games, pulat-puti, baklay at drop ball baraha” ay matatagpuan Bulusan, Canubing 2, Sapul, Managpi, Bucayao, Camansian, Guinobatan, Silonay at Lazareto na ilang hakbang lang ang layo sa Camp Efigenio Navarro ang punong tanggapan ng Police Regional Office MIMAROPA sa Calapan City, Brgy Formon at Kaligtasan sa bayan ng Bongabong, Sumagui at Malo ng Bansud, Siyete Pinamalayan, Tigkan at Kalinisan Naujan, Almavilla, Gloria, Poblacion ng Mansalay, Pola, Socorro, Bulalacao, Baco, San Teodoro, Victoria, San Mariano at Poblacion ng Roxas, Oriental Mindoro.
Lantad at parang kabute rin na naglipana ang mga Pergalan (Perya-sugalan) sa bayan ng Abbra de Ilog, Calintaan, Looc, Lubang, Mamburao, Paluan, Rizal, Sablayan, San Jose, Santa Cruz, at Magsaysay, Occidental Mindoro na nagsisilbi umanong shabu tiangge dahil inaabot umano ng madaling araw ang “gambling operation”.
Sa dami ng kailigalan sa mga nabanggit na lugar, malamang tiba-tiba dito ang ilang tiwaling opisyal ng kapulisan dahil kaladkad nina Sgt. Manalo, Raymond, Nonoy, at Leynes ang kanilang mga pangalan para mangolekta ng “goodwill” na ang common-term ay payola?
Bukod sa peryahan na pulos sugal, talamak din sa Occidental at Oriental Mindoro ang jueteng?
Paalala kulang sa mga nabanggit na opisyal ng kapulisan na ayaw ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr., DILG Sec Jonvic Remulla at PNP Chief Jose Melencio Nartatez ng iligal.
May follow-up pa, ABANGAN!
***
Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email balyador69@gmail.com