Advertisers

Advertisers

Mark Herras, inilahad estado ng relasyon nila ngayon ni Nicole Donesa

0 3

Advertisers

Makaraan ang paglabas ng kaniyang viral video na umiiyak at tila may mabigat na pinagdadaanan, nagkuwento si Mark Herras kaugnay sa ugnayan nila ngayon ng kaniyang asawa na si Nicole Donesa.

Sa kaniyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, ipinaliwanag ni Mark na walang koneksyon sa pera o trabaho ang kaniyang breakdown sa naturang video.

“So, it’s a personal issue na kailangan ko siyang gawin, kailangan ko siyang i-post [yung video], just to vent out,” ayon sa Kapuso actor.

Sinabi pa ni Mark na aalis siya noon sa kanilang bahay matapos silang mag-away ni Nicole. Pero tila nagdadalawang isip siya na iwan panandalian ang mga anak. Ngunit ayaw din naman niyang lumala pa ang away nilang mag-asawa.

“Na, kumbaga dapat ba, hindi ako aalis ng bahay para hindi ko sila ma-miss, pero, parang ‘yung issue namin dalawa ng asawa ko na, kung hindi ako aalis dito, bangayan, bangayan, na ayoko na lang ng gano’ng stress sa buhay.”

Matapos i-post ang video, sinabi ni Mark na kinuwestiyon ito ni Nicole. Ngunit ipinaliwanag niya hindi niya ito ginawa para kumuha ng simpatiya sa mga tao.

“Sabi pa nga ni Nicole, ‘Why do you need to post that? Do you want sympathy from people?’” kuwento ni Mark.

“‘I don’t, I don’t want to get sympathy from people,’ sabi ko. ‘Kilala mo ko,’ sabi ko, ‘Ang tagal ko na sa industriya, hindi ako humingi ng ganiyan sa tao.’ Kailangan ko lang mag-vent out, para hindi ako ma-loss, hindi ako sumabog,” paliwanag niya.

Pinasalamatan ni Mark ang mga kaibigan niya sa showbiz na nagpahayag ng pag-aalala at suporta sa kaniya.

Gayunman, may ilang netizens na gumawa na ng kani-kanilang mga espekulasyon tungkol sa video ni Mark, at kinonekta sa mga nakaraan pa niyang isyu na wala umano siyang trabaho.

Dahil dito, nag-post siya na inalmahan niya ang mga nagpapakalat na wala siyang trabaho.

“Kasi, ang dating sa mga kapwa ko artista, parang nagbe-beg ako for work or parang wala akong pera, wala akong trabaho, parang gano’n,” ani Mark, na pinahanap pa ng ibang direktor para bigyan siya ng trabaho.

“Mali ‘yung nagiging dating sa tao eh, sa co-actors ko. Parang, I mean, napapahiya ako sa kanila. Parang… ano, naghahanap ba ako ng trabaho? Hindi naman ako naghahanap ng trabaho eh. I have work, Tito Boy, noong time na ‘yan. And until now,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Mark na noong sinusulat niya ang kaniyang mga komento, mainit na rin ang kaniyang ulo. Kaya nasabihan niya ang ilang netizens na wala silang karapatan na magsabi ng mga bagay na hindi nila alam ang back story.

“‘Personal pala eh, bakit mo pa pino-post?’ Eh, social media ko ‘yan eh. Pinapakialaman niyo?” sabi ni Mark.

“’Yung mga tao kasi mahilig silang manghimasok sa buhay ng may buhay. Wala naman silang karapatan,” pahayag ng aktor.