Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
ALMOST 2 decades nang nagsasama bilang mag-asawa sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, pero nanatiling matatag ang kanilang relasyon. Muhang may forever sa kanila, huh!
Sa tanong kay Juday kung ano ba sa tingin niya ang sikreto sa masaya nilang pagsasama ni Ryan,ang sagot niya, “Palagay ko importante yung kaya ninyong pagtawanan ang isa’t-isa, malaking factor yun
“‘Yung respeto lang sa space kasi may mga moments na kahit magkasama kami everyday, may times na ayaw magsalita nung isa, di rin magsasalita yung isa.
“Kumbaga okay lang yun.
“Malaling factor din na nakakatulong sa amin na may banyo nights kami, nag-uusap kami sa banyo.
“Halimbawa tulog na yung mga bata, nagtu-toothbrush, ganyan. Nag-uusap kami, nagkukuwentuhan kami sa mga nangyari sa buong araw namin o pagtsitsismisan namin kung ano ang mga issue.
“Minsan walang kapararakang bagay or kung sino ang napanood namin, o.minsan malalim, it’s about life.
“Minsan from Yohan or Lucho o Luna. Importante na napagtatawanan ninyo yung mga bagay-bagay, and yes it’s important you spend time together.
‘Di naman kailangan lumabas kayo ng bansa, di naman kailangang magastos, puwede namang mag picnic lang kayo sa park or little things that will actually give you time together.Okay na okay na ako dun.
“Di siya kailangan na maging magarbo. Being together is more than enough for me.”
Samanta,bilang bagong endorser ng Kyowa, malaki ang pasasalamat ni Juday dahil malaking tulong ang isang mapagkakatiwalaang mga appliances para mas mapadali ang kanyang pagluluto.
“Actually kahit di ka naman chef to have like a partner in the kitchen which is reliable and afforadbale and convenient to use, I think napakaraaming plus na nun,”