Advertisers

Advertisers

‘Missing’ na si Senador Bato

0 17

Advertisers

BIGLANG naglaho sa mata ng publiko si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ito’y matapos ianunsyo ni Ombudsman “Boying” Remulla na naglabas na ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban sa co-accused ni ex-President Rody Duterte sa kasong Crimes against humanity kaugnay ng brutal na war on drugs ng nakaraang administrasyon, kungsaan ayon sa human rights group ay mahigit 30,000 ang pinatay pero ayon sa data ng Philippine National Police (PNO) higit 5,000 lang ang nasawi.

Sinabi naman ni Senate President Tito Sotto na hindi nila isusuko sa ICC si Dela Rosa kapag nasa loob ng Senado. Pero kapag nasa labas, wala na raw silang hurisdiksyon kung arestuhin man ang kanilang miyembro.

Ayon naman sa abogado ni Dela Rosa, hindi pa kumpirmado kung may arrest warrant na nga sa ICC ang kanyang kliyente. Dahil wala naman daw nakapost sa website ng ICC, ang pangalan lang daw ni Duterte ang nandoon.

Noong arestuhin si Duterte ng ICC, wala ring nakalagay sa website ng international court na may arrest warrant ang dating pangulo. Ipinost lang ng ICC ang arrest warrant nang maaresto na si Digong, na walong buwan na ngayon nakakulong sa The Hague, Netherands kungsaan nakabase ang ICC.

Nang pumutok ang pagkabas ng ICC warrant laban kay Bato, hindi na ito mahagilap ng media, nawala na siya sa mata ng publiko.

Ginawa rin ito ni Bato nung arestuhin ng ICC si Duterte, isang linggo siyang hindi nagpakita, nagtago raw sa bundok. Hehehe… Lumabas lang siya noon sa publiko nang matiyak na hindi pala siya kasama sa aarestuhin.

Taliwas sa ipinangalandakan noon ni Bato na haharapin niya ang ICC kapag inisyuhan siya ng arrest warrant nito. Hinamon pa niya noon si dating Senador Antonio Trillanes na samahan ang ICC at posasan siya nito.

Ngayon, hindi na makita si Bato. Can’t be reached na. Ang abogado nalang niya ang nagsasalita.

Where you na ba, Bato? Be a man enough, Mer. Senador!. Ito na ang pagkakataon mo para madamayan ang amo mong si Digong sa loob ng kulungan. Hehehe… Di ba sabi mo noon, wala kayong iwanan ng dating pangulo? Aba’y GO NA! sa ICC jail.

Oppsss!!! teka… sinabi rin noon ni Senador Robinhood Padilla na sasamahan niya sina Digong at Bato kapag inaresto ng ICC. Sana maalala pa ito ni “Boy Sili”. Hehehe…

Sabi ni Trllanes, ang sunod na maiisyuhan ng ICC warrant ay si Senador Bong Go, na sinasabing siya ang nagbibigay ng reward sa mga pulis na nakakapatay ng kriminal partikuylar drug addict sa “pekeng” war on drugs.

Posibleng sa early 2026 daw lalabas ang arrest warrant vs Bong Go.

Abangan!

***

Nakikiramay tayo sa ating mga kababayan na sinalanta ng super bagyong Uwan. Kapit lang mga kapatid. Bagyo lang yan, tao tayo. Keep safe always…