Advertisers

Advertisers

132 LUGAR SA 3 REHIYON LUBOG KAY ‘UWAN’

0 18

Advertisers

NASA kabuuang 132 lugar sa tatlong rehiyon ang nana-natiling lubog sa baha hanggang nitong Lunes ng umaga, Nobyembre 10, dahil sa malalakas na ulan dala ng bagyong Uwan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa 6:00 am. update, sinabi ng NDRRMC na mayroong 125 flooded areas sa Bicol Region, 5 sa Western Visayas at 2 sa Northern Mindanao.



Sinabi ng NDRRMC na humuhupa na ang mga baha sa apat na lugar sa Zamboanga Peninsula at isa sa Caraga, Mindanao.

Ang baha naman sa siyam na lugar sa Western Visayas at dalawa sa Caraga ay humupa na.

Nasa 836,572 indibidwal o 230,955 pamilya ang apektado ng bagyong Uwan.

Sa nasabing bilang, 652,768 indibidwal o 181,855 pamilya ay mula sa Bicol Region; 99,109, o 22,018 pa-milya ang mula sa Caraga region; 31,451, o 10,114 pamilya ang mula sa Eastern Visayas; at 26,988, o 8,970 pamilya ang nasa Western Visayas.