Advertisers
Binisita ni Caloocan Mayor Along Malapitan ang mga kababayan nitong kasalukuyang nasa evacuation center dahil sa Bagyong #UwanPH.
Kasabay nito, namahagi rin ang Pamahalaang lungsod ng Caloocan ng relief packs at tiniyak na naibibigay ang kanilang mga pangangailangan tulad ng pagkain, maayos na tulugan, at serbisyong medikal.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa mga barangay upang tiyakin ang kaligtasan ng bawat isa.
“Sa gitna ng suliranin na ito, ang pinakamahalaga ang pagkalinga at pagmamalasakit sa ating kapwa Batang Kankaloo,” wika ni Mayor Along.
Aniya, ikinagagalak niya ang maagang paglikas ng kanyang mga kababayan hindi pa man dumarating ang mapanalantang super typhoon Uwan.
Ngayong araw, umabot na po sa 1,696 pamilya o katumbas ng 6,527 indibidwal ang lumikas sa kanilang mga tahanan at kasalukuyang nananatili sa evacuation center dahil sa banta ng Bagyong #UwanPH.
Nagsagawa po tayo ng medical mission sa ating mga evacuation center bilang parte ng ating pagkalinga sa mga lumikas dahil sa banta ng Bagyong #UwanPH.
Pinangunahan ng Caloocan City Health Department (CHD) ang libreng check-up, at pamimigay ng libreng gamot, vitamins, at doxycycline para sa mga lumusong sa baha.
“Mga Batang Kankaloo, para sa inyong kaligtasan, mainam po na alamin ninyo kung anong evacuation center ang pinakamalapit sa inyong mga tahanan,” paalala ni Mayor Malapitan.
Narito ang link para sa updated at kumpletong listahan ng mga evacuation center sa buong Lungsod ng Caloocan: bit.ly/3JPDV78
Dagdag pa ni Malapitan na sa mga nangangailangan ng tulong sa paglikas, huwag magaatubiling tumawag sa kanilang emergency hotlines: (02) 888-25664; 0908-81-25664.(BR)