Advertisers

Advertisers

Chinese national na ‘solong’ nagpapatakbo ng scam hub arestado ng BI

0 17

Advertisers

DINAKIP nitong Lunes ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na nagpapatakbo ng cryptocurrency investment scam sa mismong tinitirhang condo unit.

Ang mga ahente ng BI fugitive search unit (FSU) sa pamumuno ni Rendel Ryan Sy kasama ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit National Capital Region at ng tanggapan ng Department of Justice Office of Cybercrime, ay iniulat ang pagkakaaresto ni Liu Feng, 41, sa loob ng condominium unit sa Diosdado Macapagal Blvd. , Brgy. Tambo, Parañaque City.

Si Liu ay naaresto habang nag-o-operate ng workstation na hinihinalang isang cryptocurrency scam.

Ayon pa sa intelligence reports na natanggap ng BI ay nagsasabi na isa pang Chinese national, na nauna ng iniimbestigahan, ang nagpapatakbo ng online fraud operation kasama ang kanyang mga kasabwat.

Maliban sa pagtatrabaho ng walang permit, si Liu ay natuklasan din na overstaying, dahil hindi ito nag-apply ng extension ng kanyang visa simula pa noong. October 2024.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodya ng CIDG para sa mas malalim pang imbestigasyon kaugnay ng mga mga hinihinalang drug paraphernalia na nakuha sa workstation.

Nahaharap din ito sa deportation proceedings. Sa ilalim ng deportation, si Liu ay pabababalikin sa kanyang bansang pinagmulan at hindi na muling makakabalik o makakapasok ng Pilipinas. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)