Advertisers

Advertisers

Imbestigasyon sa destab plot vs admin pinauubaya sa intel community

0 12

Advertisers

BINIGYANG-DIIN ng Malacañang na sa ngayon ay wala pang nakikitang paglabag sa batas ang mga personalidad, kabilang ang ilang dating heneral, na sinasabing nagpahayag ng kanilang saloobin laban sa pamahalaan.

Sa harap ng mga ulat ukol sa umano’y tangkang destabilisasyon laban sa administrasyong Marcos, nilinaw ni Palace Press Officer at PCO Undersecretary Atty. Claire Castro na hindi dapat agad paniwalaan ang mga kumakalat na impormasyon sa social media.

Ayon kay Castro, maaaring ituring ng mga nasasangkot na personalidad ang kanilang mga pahayag bilang bahagi ng karapatan sa malayang pagpapahayag, kaya’t nararapat lamang na masusing beripikasyon at imbestigasyon ang isagawa bago maglabas ng anumang konklusyon.



Ipinabatid din ni Castro na nakikipag-ugnayan na ang Malacañang sa Armed Forces of the Philippines (AFP), at ipinauubaya sa intelligence community ang pagkalap ng sapat na impormasyon upang malaman kung may kailangang imbestigahan o tutukan.

Dagdag pa niya, handa ang Pangulo na kumilos kung sakaling may matibay na batayan na may banta sa seguridad o kaayusan.



Aniya, sa ngayon, nananatiling mapagmatyag ngunit kalmado ang administrasyon habang pinangangalagaan ang karapatan ng bawat Pilipino sa malayang pananalita. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">