Advertisers
NAANTALA ng 45 minuto ang operasyon sa paglipad at pagdating ng 59 na commercial at cargo flights matapos ang ‘false alarm’ na sunog sa Air Traffic Management Center (ATMC) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Pasay City ngayong Martes, Nobyembre 11.
Sinabi ng tagapagsalita ng CAAP na si Eric Apolonio , bumalik na sa normal operation ang ATMC matapos ang isang false alarm na sunog na panandaliang nakagambala sa operasyon na nagsimula bandang 1:24 ng umaga, na nag-udyok sa pag-activate ng contingency plan at mga protocol sa kaligtasan at pansamantalang pagpigil sa take-off at pagdating ng mga flights.
Ang mga normal na operasyon ay ipinagpatuloy ng 2:50 A.M , lahat ng mga paghihigpit ay inalis bandang 3:16 A.M pagkatapos ng imbestigasyon at lahat ng contingency plan ay maayos na naobserbahan at mabilis na naisakatuparan.
Pinuri ni CAAP Director General Retired Lt. Gen. Raul Del Rosario ang air traffic controllers para sa kanilang propesyonalismo at mabilis na pagtugon.
Magsasagawa ang CAAP ng internnal investigation para maiwasan ang mga katulad na pangyayari at mananatiling nakatuon sa pagtataguyod ng pinakamataas na pamantayan ng kaligtasan ng aviation, alinsunod sa mga direktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bong Bong’ Marcos Jr. at Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez. (JOJO SADIWA/ JERRY TAN)