Advertisers
NAG-VIRAL at nadurog ang puso ng mga netizen sa isang lalaking pilit na isinasalba ang kanyang misis sa ibabaw ng bubong nang malunod sa kasagsagan ng bagyong Tino.
Kinilala ang lalaki na si Emmanuel Estrera ng Liloan, Cebu. Ang kanyang asawa, si Coney.
Ang nag-viral na video ay kuha ng kanilang kapitbahay, na makikitang pilit na sini-CPR ni Emmanuel si Coney upang ma-revive.
Kuwento ni Emmanuel, nag-aakyat na sila ng mga gamit dahil pinasok na ng baha ang kanilang bahay nguni’t binalikan pa raw ni Coney ang niluluto nitong almusal sa kusina hanggang sa rumagasa na ang baha.
Kinuha ni Emmanuel ang dalawang anak nila para maiakyat sa bubong nguni’t naiwan si Coney.
Nahirapan daw silang baklasin ang bubong para masagip ang kanyang asawa kaya tatlong beses sumisid si Emmanuel para makita si Coney.
Nang makita niya ito, binuhat nila patungong bubong katulong ang ilan nilang kapitbahay.
Nagpatulong daw siya sa kapitbahay na marunong mag-CPR pero sinabihan raw si-yang wala nang pulso ang kanyang asawa, nguni’t naniniwala aniya siya sa milagro kaya maghapon siyang nag-CPR sa asawa.
“Hindi ako pumayag na wala na. Kasi may milagro naman eh,” saad niya.
Pero kalaunan, tinanggap na aniya ang pagpanaw ng kanyang misis.
Narito ang reaksiyon ng ilang netizen:
“This is one of the most heartbreaking videos I’ve seen during the onslaught of Typhoon Tino in Cebu.”
“This photo broke me. A man desperately trying to save his wife performing CPR, begging for life in the aftermath of Typhoon Tino in Cebu.”
“I saw the video last night and it’s still in my head. The husband, the desperation, it’s just too much. And here we are, still stuck in a system that fails its people. Fuck corruption, negligence, and greed.”