Advertisers
ARESTADO ang isang li-der ng New People Army (NPA) sa operasyon ng pulis at militar sa Mabalacat City, Pampanga.
Kinilala ang naaresto sa alias “Ka Loris”, babae, miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG), nagsisilbing Secretary ng Komiteng Rehiyon Gitnang Luzon (KRGL) sa ilalam ng Josefina Corpuz Command, na nag-o-operate sa Tarlac at Zambales.
Ayon kay Major General Robert AA Morico II, direktor CIDG, 3:46 ng madali ng araw nang madakip ng mga pinagsnib na elemento ng CIDG National Capital Region Regional Field Unit (CIDG NCR) CIDG Regional Field Unit 3, Philippine Army, at Police Regional Office 3 sa McArthur Highway, Brgy. Tabun, Mabalacat City.
Inaresto si Ka Loris ng mga operatiba sa bisa ng 5 Warrants of Arrest – Murder (2), Destructive Arson, at Frustrated Murder (2) na ipinalbas ng Baler, Aurora Regional Trial Court noong June 15, 2021, Bambang, Nueva Vizcaya Regional Trial Court noong September 3, 2021 at Gapan City, Nueva Ecija Regional Trial noong March 14, 2025.
Kabilang ang suspek sa mga listahan ng Periodic Status Report of Listed Target Groups (PSRLTG) 2nd Quarter ng 2024, na itinutu-ring na Number 1 Provincial Most Wanted Person ng Zambales, Number 2 Provincial MWP ng Aurora; at Number 8 Municipal MWP ng Malolos City, Bulacan.
Kabilang si Ka Loris at 3 iba pa sa panununog sa isang transit mixer sa construction site sa Sitio Dimabayo, Barangay Villa Aurora, Ma-ria Aurora, Aurora Province noong Oct 16, 2018.
Pag-ambush sa tropa ng pamahalaan habang nagsasagawa ng pagpapatrulya, na ikinasawi ni PVT Jay at pagkakasugat ng isang PFC Frank sa Sitio Mapedya, Barangay Rio Chico, General Tinio, Nueva Ecija, noong Sept. 2022.(Mark Obleada)