Advertisers
TODAS ang holdaper na Police Captain nang ma-kipagbarilan sa kanyang mga kabaro matapos magholdap sa isang convenience store sa Barangay Sta. Rosa I, Marilao, Bulacan, Lunes ng gabi.
Nabatid na ang holdaper na police officer ay nakatalaga sa Caloocan City Police Station at residente ng Barangay Gaya Gaya, San Jose del Monte, Bulacan.
Sa ulat na nakarating sa Police Regional Office 3, Lunes ng gabi ay pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng pulang jacket sa establisim-yento, nagpanggap na kustomer, at bumunot ng baril, nagdeklara ng holdap. Tina-ngay nito ang humigit-kumulang P20,000 na kita ng tindahan at sumakay ng motorsiklo patungong Barangay Loma de Gato.
Agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga operatiba ng Marilao Municipal Police Station.
Nakita ang holdaper sa may Heritage Subdivision sa Loma de Gato. Sinubukan siyang pahintuin ng mga pulis nguni’t bumunot ito ng baril at nagpaputok, dahilan upang gumanti ng putok ang mga awtoridad.
Tinamaan ang holdaper sa katawan, at agad dinala sa Sta. Maria Hospital nguni’t idineklara itong dead on arrival.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.
Inaalam ng mga awtoridad kung may kinalaman ang police officer na holdaper sa isang sindikatong sangkot sa serye ng mga pagnanakaw sa mga convenience store sa Central Luzon. (Thony Arcenal)