Advertisers

Advertisers

KC SINELEBREYT ANG MATAGAL NA NILANG PAGKAKAIBIGAN NI MARIAN

0 18

Advertisers

Ni Beth Gelena

Sinelebreyt ni KC Concepcion took sa kanyang Instagram ang pagiging magkaibigan nila ni Marian Rivera kasunod ang The Elegant Filipinas 2025.

Ang post ay featured na kuha sa candid photo at video capturing their heartfelt connection.

Rumesponde naman ang Kapuso aktres sa comments section, at in-express niya kung gaano na niya kamiss ang Mega daughter.

Ang bilis ding nagkomento ang netizens with supportive messages and heart emojis.

Matagal nang magkaibigan sina KC at Marian kung saan muli silang nagkita sa The Elegant Filipinas 2025.

Sambit nga ni KC sa kanyang IG account, “a real one ~ since day one.” dagdag pa niya, “Mahal kita, @marianrivera!!!” highlighting the genuine friendship they have maintained over the years.

 

ANNE HINDI NAGPATUTSADA SA GOBYERNO KUNDI NAGBIGAY NG ‘TIMELY REMINDER’

Nagbreak si Anne Curtis sa malawakang pagbaha sa Visayas at Mindanao.

Hindi maitago ang pag-aalala ng TV host actress sa mga taong naninirahan roon.

Sa kanyang X post, nanawagan ang aktres ng tapat na paggamit ng pondo para sa mga proyektong makapagligtas ng buhay at kabuhayan.

Nagpaabot ng simpatiya ang Kapamilya host-actress sa mga mamamayang naapektuhan ng malawakang pagbaha sa matapos ang pananalasa ng Bagyong Tino nitong mga nagdaang araw.

Sa kanyang X account, ibinahagi ni Anne ang isang artcard na nagsasaad ng datos hinggil sa mga apektado ng kalamidad. Sa post na iyon, binanggit din ang isyu ng umano’y malaking pondo para sa mga flood control projects na hindi napakinabangan ng publiko.

“A painful reminder,” ang simpleng caption ni Anne, na umani ng libo-libong reaksyon mula sa netizens.

Sa hiwalay niyang post, ibinahagi rin ng aktres ang isang halimbawa ng matagumpay na flood control system mula sa Iloilo City, na may kabuuang budget na P4 bilyon at may kasamang spillway. Ipinahayag ni Anne ang paghanga sa ganitong uri ng proyekto na tunay na may ambag sa pagpigil sa pagbaha.

“Grabe. Imagine if all the corruption money was put towards projects like this one in Iloilo… My heart goes out to all affected… Praying for everyone’s safety,” ang kanyang dagdag na mensahe.

Pinuri ng netizens ang aktres dahil sa kanyang malasakit at pakikidamay, lalo na sa mga taga-Visayas at Mindanao na labis na naapektuhan ng kalamidad. Marami rin ang sumang-ayon sa kanyang pahayag tungkol sa pangangailangan ng transparency at maayos na implementasyon sa mga flood control programs sa bansa.

Batay sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) noong Nobyembre 9, umabot na sa mahigit dalawang daang indibidwal ang naitalang nasawi, habang mahigit isandaang katao pa ang nawawala matapos ang hagupit ng bagyo. Isa sa mga lugar na pinakamatinding tinamaan ay ang Cebu, kung saan maraming komunidad ang nalubog.

Habang sinusulat ang balitang ito, pumasok na rin sa bansa ang Super Typhoon Uwan, na muling nagdudulot ng malalakas na pag-ulan at posibleng magdulot muli ng pagbaha sa ilang rehiyon kabilang ang Metro Manila.

Sa kabila ng sitwasyong ito, nananatiling positibo ang mensahe ni Anne — na kung maayos at tapat ang pagpapatupad ng mga proyekto, posible raw na hindi umabot sa ganitong lawak ang pinsala. Ilang netizens naman ang nagpasalamat kay Anne sa kanyang malinaw na mensahe na nagbibigay-pansin sa kahalagahan ng integridad sa paggamit ng pondo.

Sa halip na mga patutsada, tinawag ng iba ang post ni Anne na isang “timely reminder” sa mga opisyal na may tungkulin sa pagpapatupad ng mga proyekto para sa bayan.

 

PAPA P NAGBIGAY NA NG REAKSIYON SA VIRAL PHOTO NILA NI EMAN, ANAK NI MANNY PACQUIAO

Nagbigay ng kanyang reaksyon si Piolo Pascual, matapos kumalat ang larawan nila ng anak ng Boxing champ na si Manny Pacquiao.

Nahingan kasi ng reaksyon ang actor ukol sa anak ni Manny na si Eman.

Ayon kay Papa P, nakilala na rin daw niya ng personal si Eman at labis ang papuri niya sa bata.

Si Eman ay isa sa mga anak ni Manny na sumusunod ngayon sa yapak niya bilang isang mahusay na boksingero.

Ibinahagi ng aktor ang kanyang karanasan nang makilala si Eman nang personal.

Ayon sa kanya, matagal na niyang nakikita ang pangalan ni Eman sa social media dahil sa mga lumalabas na larawan nilang magkahawig. “Binisita niya ako kahapon. Nagkaroon kami ng interview together. Actually puro Eman, Eman Pacquiao ang feed ko. Mga link, puro links and everything. Finally, I got to meet the boy yesterday,” ayon sa aktor.

Bukod sa pagkakahawig, mas napahanga si Piolo sa magandang asal ni Eman nang magkaharap sila. Pinuri niya ang kabataan dahil sa pagiging magalang at maka-Diyos, bagay na aniya’y patunay na maayos itong pinalaki ng kanyang mga magulang.

“Sasabihin ko, pinalaki siya ng maayos. Very humble, very God fearing. I think he’ll go places,” dagdag pa ni Papa P.

Hindi rin ikinaila ng aktor na natutuwa siya sa mga komento ng netizens na sinasabing magkamukha sila ni Eman.

Para sa kanya, isa itong papuri na tinatanggap niya nang buong puso. “It’s a compliment… to say that ‘magkamukha kami’,” aniya. Ayon pa sa Kapamilya star, bilib siya sa pagpupursigi ni Eman sa larangan ng boksing—isang disiplina na siyang nagpatanyag sa ama nitong si Manny.

“Mabait siyang bata. Masaya ako, may isang katulad niya sa larangan na iyon which is boxing. Binigyan ko siya ng advice na abutin lang talaga ang kanyang mga pangarap,” pagbabahagi ni Piolo.

Si Eman Bacosa Pacquiao ay isa sa mga anak ni boxing legend at dating senador Manny “Pacman” Pacquiao at ni Jinkee Pacquiao. Tulad ng kanyang ama, pinili rin ni Eman na tahakin ang mundo ng boksing.

Sa murang edad, nagsasanay na siya nang puspusan upang mahasa ang kanyang kakayahan sa ring.

Maraming sports enthusiasts ang nakapansin sa kanyang potensyal, lalo na dahil taglay niya ang determinasyon at disiplina na maihahalintulad sa kanyang ama.

Bukod sa pagiging boksingero, kilala rin si Eman sa social media kung saan madalas siyang ibinibida ng kanyang mga magulang sa kanilang mga post. Madalas din siyang napagkakamalang artista dahil sa kanyang maamong mukha—lalo na nang mapansin ng publiko ang pagkakahawig niya kay Piolo Pascual.

Sa ngayon, patuloy ang suporta ng pamilya Pacquiao sa pangarap ni Eman na maging isang world-class boxer. Samantala, marami ring tagahanga ni Piolo ang natuwa sa pagiging mabuting ehemplo ng aktor sa mga kabataan, lalo na sa kanyang positibong mensahe at papuri kay Eman.