Advertisers

Advertisers

P142.29M pinsala sa sektor ng agrikultura kay ‘Uwan’

0 20

Advertisers

NAG-IWAN ng malawakang pinsala at pagkalugi ang bagyong Uwan sa sektor ng agrikultura at pangisdaan sa ilang rehiyon sa bansa.



Sa ulat ng Department of Agriculture,
nakapagtala na ng inisyal na PhP 142.29 Milyong halaga ng pinsala sa mga pananim, pangisdaan at imprastraktura sa nagdaang bagyo.

Apektado ng kalamidad ang 4,631 na magsasaka at pagkalugi sa produktong agrikultural na abot sa 8,235 metrikong tonelada .

Nasa 2,482 ektarya ng agricultural areas ang nasalanta ng malalakas na hangin , pag-ulan, at pagbaha dulot ng bagyo.

Ayon sa DA, naitala ang mga pinsala sa pananim na palay, mais, high value crops at livestock sa MIMAROPA at BICOL Region.

Posible pang tumaas ang halaga ng pinsala habang patuloy pa ang isinasagawang assessment at validation sa mga lugar na dinaanan ni Uwan.

Kaugnay nito naglaan na ng Php 379.31 Milyong halaga ng farm inputs ang DA at iba pang intervention para matulungan ang mga apektadong magsasaka.(Ernie Dela Cruz)