Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
KILALA bilang “Little CEO,” si Kryzl ang batang tagapagtatag ng Purple Hearts, isang lifestyle brand sa Pilipinas na may layuning malapit sa kanyang puso: Nutrisyon.
Nagsimula ang kanyang paglalakbay sa negosyo sa isang matapang na misyon —tulungan ang mga batang hirap pakainin ng masustansyang pagkain sa pamamagitan ng paggawa ng mga bitamina na gugustuhin talaga nilang inumin.
Sa tulong ng Purple Hearts, inilunsad niya ang mga chewable supplements, na layuning gawing mas asayang pagpipilian ang pagiging malusog, sa halip na gawain lamang.
“Ito ay mahalaga dahil ito ay tumutulong sa amin na lumakas,” sabi niya, na nagpapakita ng kanyang paniniwala na ang wastong nutrisyon ay pundasyon ng paglakas at paglago.Ngunit hindi lang sa negosyo umiikot ang mga pangarap ni Kryzl.
Noong kanyang ika-9 na kaarawan, nitong Hulyo, inilabas niya ang kanyang unang single na “Birthday Love,”,na siya mismo ang tumulong isulat. Kasabay nito, nagbigay siya ng donasyon sa siyam na charity at inilunsad ang Purple Hearts Foundation,isang nonprofit organization na tumutugon sa malnutrisyon at kakulangan sa micronutrients sa mga bata.**
Sa larangan ng negosyo kamakailan ay pumirma si Rodjun Cruz bilang brand ambassador ng Purple Hearts, upang higit pang palawakin ang adbokasiya nito sa pamamagitan ng entertainment.
Pinuri ni Rodjun ang mga produkto ng Purple Hearts, lalo na ang kanyang paborito,ang Mighty Boost na tumutulong sa kalakasan ng kalamnan, buto, at paglaki, at naging katuwang niya sa matinding ensayo para sa Stars on the Floor,na naging dahilan din ng pagkapalo nila ni Dasuri Choi.