Advertisers

Advertisers

Alex Eala maglalaro sa Macao Masters

0 8

Advertisers

MAGLALARO si Alex Eala sa Macao Tennis Masters na nakatakda mula Disyembre 27 hanggang 28, ayon sa pag-post ng batikang manlalaro ng tennis sa kanyang Instagram story Martes.

Sas pamumuno ng mga inductee ng International Tennis Hall of Fame at dating Grand Slam champion na sina Li Na at Conchita Martinez, ang torneo ay lalaruin sa ilalim ng exhibition format.

Kabilang ang world No.50 Eala sa lineup na tampok rin ang No.9 Mirra Andreeva, at ATP players Shang Juncheng, Jack Draper at Jakub Menšík.

Sa unang araw,ang netters ay lalaruin ang “Captains’ Challenge” dalawang men’s singles matches at isang mixed doubles match,habang ang pangalawang araw ay itatampok ang isa iba pang “Captains’ Challenge” kasama ang isang women’s match,two men’s singles matches at final awards ceremony.

Sa kasalukuyan, hindi pa naiaayos ang mga manlalaro sa kanilang kani-kanilang grupo habang nagsisilbing kapitan ng koponan sina Li at Martinez.

“We had a lot of fun at last year’s tournament, and this year’s tournament will be just as exciting. Everyone is highly competitive, and with so many outstanding players participating, the tournament will definitely be even more thrilling,” Wika ni Li sa tournament’s website report.

“My team didn’t win the championship last time, so I will be more determined to turn things around this year. Although I have never played against Martinez before, I am ready to compete against her in Macao as captain. She has done a great job coaching Angeliva, but perhaps I should try to recruit Angeliva to my team, that would be an interesting twist.”

Para kina Eala at maging kay Andreeva, magsisilbing pampainit ang Macao Masters para sa season ng 2026 kung saan gagawin ng Pilipinang netter ang kanyang debut sa Australian Open na itinakda sa Enero 12.

Bago ang Macao Masters,Eala ay inaasahan na maglalaro sa Southeast Asian Games mula Disyembre 9 hanggang 21 sa Thailand.

Katatapos lang ni Eala ng isang kahanga-hangang season noong 2025 kung saan nagsimula siya sa ika-147 na puwesto at umangat hanggang sa kanyang pinakamagandang pwesto na ika-50 sa WTA rankings.

Sinabi ni Eala na ito ay simula pa lamang ng inaasahan niyang magiging matagumpay na karera sa Tour.

“This marks the beginning of what I hope to be a long, happy and fruitful career on tour! Thank you, everybody! See you in 2026!”