Advertisers
Itinanggi ni Vice President Sara Duterte ang alegasyong isa siya sa mga financier ng destabilisasyon laban sa gobyerno, matapos siyang pangalanan ng beteranong brodkaster na si Ramon Tulfo.
Ayon sa Bise Presidente, walang basehan ang paratang at tinawag itong “chismis” dahil walang ebidensya.
Kasama rin sa binanggit ni Tulfo ang kapatid ni VP Sara na si Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte at dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, ngunit hindi niya tinukoy ang kanyang source.
Ayon naman sa Malacañang, iniimbestigahan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang listahang isiniwalat ni Tulfo.
Para naman sa abogadong si Ferdinand Topacio,”laos na at sinungaling pa itong si Ramon Tulfo”!
Desperado na itong magpapansin makaraang talikuran ng publiko at ng kanyang mga readers matapos magpakita ng pagiging ulyanin.
Makailang beses na rin sumulat itong si Tulfo ng mga ” fake news” at kathang- isip na artikulo na parang isang kendi na ibinebenta sa kanyang mga principal o kliyente.
Sinabi pa ni Topacio na matagal ng laos si Ramon Tulfo at wala nang naniniwala dito makaraang sibakin ito sa Philippine Daily Inquirer (PDI) dahil sa pag- iimbento ng istorya,pagdidiin pa ni Atty.Topacio.
Matagal ng walang ASIM ang mayabang na kolumnistang ‘yan makaraang makita ng buong mundo kung paano gumapang at bugbugin ito ng kanyang mga nakaalitan sa airport halos mahigit ilang dekada na ang nakararaan.
Nagmukhang piniping monay at sargado ang mukha with matching blackeye nitong si Ramon Tulfo after that airport brawl, pagtatawa pang komento ni Atty.Topacio.
“Nawala na ang pagiging peryodista nitong si Ramon.
Isa na lamang itong patay- gutom na “peradista” na naghihintay na lamang ng kabayaran sa kanyang bawat artikulong isinusulat.
Chipipay na propagandistang nalaos.
Nakalog nga ata ng husto ang utak nito (Tulfo) makaraang makatikim ng bugbog sa grupo ng aktor na si Raymart Santiago sa airport.
Mula nga noon,parang bulang naglaho ang angas at tikas ni Ramon Tulo este Tulfo pala.
Nakakaawang nilalang na pilit binabalikan ang kahapong nagdaan.
Osla na nga ang tarantado, humihirit pa,sabi nga ni Atty Tooacio
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com