Advertisers

Advertisers

PBBM: Pumping stations sa Metro palyado, Oplan Kontra Baha kasado

0 12

Advertisers

IBINUNYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maraming pumping stations ang hindi gumagana mula nang maitayo at ilan pa nga ang nagiging sagabal sa tamang daloy ng tubig.

Dahil dito, iginiit ni PBBM ang malawakang rehabilitasyon at pag-aayos ng mga ito upang mapahusay ang operasyon.

Sa paglulunsad ng Oplan Kontra Baha sa Parañaque City, binigyang-pansin din ng Pangulo ang malaking papel ng pribadong sektor sa proyekto, dahil ayon sa kanya, hindi kakayanin ng mga local government units (LGUs) na mag-isa lamang.



Kailangan aniya ang kooperasyon ng lahat upang maging matagumpay ang programa.

Nabatid na target ng administrasyon na bawasan ng hanggang 60 porsiyento ang pagbaha kapag naipatupad nang tuloy-tuloy ang Oplan Kontra Baha at naayos ang mga pumping station.



Idinagdag pa ni Pangulong Marcos na hindi lang sa Maynila isasagawa ang proyekto kundi pati sa Cebu, Bacolod, Ilocos, Pangasinan, Davao, at iba pang urbanized cities sa bansa. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">