Advertisers
Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na habang tinutugunan ng ASEAN ang mga tradisyunal na cross-border crimes, kinakailangan ding paghandaan ang mga bagong hamon tulad ng cybercrimes at ang mga legal at ethical implications ng Artificial Intelligence o AI.
Sa kanyang talumpati sa ASEAN Law Ministers Meeting, sinabi ng Pangulo na dapat mas maging epektibo ang bawat bansa sa pagharap sa mga banta sa digital space, lalo’t mabilis ang pag-unlad ng teknolohiya.
Giit niya, kailangang tiyaking patas at ligtas na nagagabayan ng batas ang paggamit ng AI at mga online platforms upang maprotektahan ang publiko.
Aniya, kailangan ng rehiyon ang isang forward-looking approach upang mapanatiling secure, sustainable, at nakabatay sa dignidad ng tao ang paglago ng ASEAN.
Nanawagan ang Pangulo sa mga kasapi ng asosasyon na pag-ibayuhin ang pagkakaisa upang mapanatili ang integridad ng legal systems sa buong rehiyon. (Gilbert Perdez)