Advertisers

Advertisers

Darren at Cassy bati na

0 15

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Sighted na namang magkasama sa isang ganap sina Darren Espanto at Cassy Legaspi.

For some time ay matagal din kasing hindi sila napagkikitang magkasama.

Ito ay pagkatapos na i-ship si Darren sa co-host nitong si Jackie Gonzaga sa kanilang noontime show.

Sa kaso naman ni Cassy, natsika noon na may namumuong romansa sa kanila ng dating PBB housemate na si Michael Sager bago pa man ito pumasok sa Bahay ni Kuya.

Katunayan, sinabi pa nga noon ni Michael sa isang panayam na answered prayer para sa kanya si Cassy.

May mga nagmamaldita ngang nagtataka kung ano na ang nangyari sa kanilang espesyal na relasyon.

Speaking of Darren, may mga nagkaroon naman ng hakang-hakang nagkatampuhan sila ng friend na si Cassy.

Hindi na rin kasi nagpapadala ng flowers si Darren kay Cassy except noong kasagsagan na nali-link sila sa isa’t -isa.

Sa sighting naman nilang reunited recently, ito ang mga hirit ng kibitzers.

“Uy, bati na sila.”

“Hindi naman LQ quarrel iyan dahil hindi naman naging sila.”

“Nagselos kasi kay Jackie. “

“Hanggang pa-ship lang naman si Darren. Never namang naging sila ni Cassy at Jackie.”

“Kaloka. Sobra namang user-friendly.”

“Di ba na-hurt si teh nang itanggi ni Michael.”

“Malay mo, sila pala ni Darren ang itinadhana.”

****
Chair Lala Sotto, pinangunahan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin nina Juan “Johnny” Revilla bilang bagong Vice Chairperson at Jose Emeterio “Joey” Romero IV bilang bagong Board Member ng Ahensiya nitong Martes, Nobyembre 11, sa Nida Blanca Conference Room ng MTRCB.

Nobyembre 7 ng lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang appointment papers ng dalawa.

Si Revilla ay isang respetadong aktor sa pelikula at telebisyon. Nagsilbi rin siya bilang kinatawan ng OFW Family Party List noong 2013. Bilang Vice Chairperson, bitbit ni Revilla ang mga karanasan at kasanayan sa industriya ng pelikula at telebisyon, pati na rin ang paglilingkod sa taumbayan.

Si Romero naman ay isang direktor sa pelikula at anak ng yumaong Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula na si Eddie Romero. Dala ni Romero ang mga kaalaman sa paglikha ng pelikula sa mahabang panahon.

Bago nito, naging MTRCB Board Member na si Romero noong 2000-2005 at napabalik noong 2011-1018.

Kasalukuyan miyembro si Romero ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival simula 2023 at nagsilbing miyembro ng MTRCB Appeals Committee sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo mula 2024.

Tiwala si Sotto na ang dalawa ay makapagbibigay ng malaking kontribusyon sa pagpapatibay ng mandato ng Ahensya.

“Nagpapasalamat tayo sa pagkakahirang nina Vice Chairperson Johnny Revilla at Board Member Direk Joey Romero sa MTRCB. Ang kanilang malawak na karanasan sa media, pelikula at serbisyo publiko ay tiyak na magiging mahalagang bahagi sa pagpapatatag ng ating mga programa at adbokasiya para sa Responsableng Panonood,” sabi ni Sotto.

Nagpasalamat din si Sotto kay dating Vice Chairperson Atty. Paulino Cases Jr. sa kanyang di “matatawarang dedikasyon at serbisyo sa ahensya.”

Kinilala rin ni Sotto ang malaking ambag ni Cases para sa patuloy na pag-unlad ng MTRCB.